Facebook

P6-M STL-CON JUETENG PAYOLA PARA KAY MAYOR SONNY COLLANTES?

ITO ang mistulang apoy na kumakalat na balita, hindi lamang sa Tanauan City, kundi maging sa sirkulo ng kapulisan, at marahil ay nakarating na rin sa opisina ni Philippine Charity Sweeptakes office (PCSO) General Manager Mel Robles at PCSO Chairman Junie Cua.

Sa ganang atin, hindi dapat maging kampante si Mayor Sonny Collantes sa kalat na kalat nang tsismis na ito dahil nababahiran ng mantsa ang kanyang malinis na imahe na napakatagal na panahon nitong inalagaan simula sa kanyang panunungkulan sa kongreso bilang kinatawan ng Batangas 3rd District.

Isang alamat na din ang COLLANTES di lamang sa Tanauan City kundi maging sa nasasakupan ng Ikatlong distrito ng Batangas na binubuo rin ng mga siyudad ng Sto Tomas, mga bayan ng Malvar, Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta Teresita at Talisay.

Katunayan na mahal nga si Collantes ng kanyang mga kababayan ay dalawang ulit na inihalal ito ng mga taga-3rd District bilang kongresista una ay nang magsimula itong pumalaot sa politika at lumaban nga bilang Kinatawan sa Kongreso noong 2010.

Muli itong tinangkilik ng kanyang mga constituents, lalo’t higit ay ng mga Tanaueno’s nang muli itong tumakbo sa pagka-kinatawan noong 2013.

Sa bawat pakikitalad sa larangan ng politika ay buong puso at walang sawang tinatangkilik ng kanyang mga tagasuporta si NELSON COLLANTES.

Ang pagkakapanalo naman ni Collantes bilang alkalde ng Tanauan City noong May 9, 2022 election laban sa mga makapangyarihang Halili political clan ay resulta at patunay ng kanyang pagiging magaling at ‘di matatawarang lingkod bayan.

Bilang siyang AMA ng lungsod at patunay din ng pagiging totoong public servant ni collantes ay ang pagiging incorruptible leader na pinatunayan niya noong siya’ kongresista.

Kayat inasahan din na siyay hindi masusuhulan ngayong siya na ang Punong ehikutibo ng Tanauan city.

Pinatunayan din ni Collantes ang kanyang pagiging tigasin na punong lungsod nang sa day one pa lamang ng kanyang pagsisimula bilang Tanauan City Mayor ay pinatigil nito ang namamayagpag na operasyon ng STL-con jueteng at STL- con drugs na ang mga operators ay karamihan pa ay mismong mga brgy leaders at yaong mga tigasing grupo na kilala din sa tawag na BARAKO.

Natuwa ang maraming grupo na anti-gambling advocates, lalo na ang pamunuan ng PCSO sa naging desisyon at ideneklarang giyera laban sa gambling pati na ang droga ni Collantes.

Dahil ang pagpapahinto ng STL bookies ay pagpapataas naman sa koleksyon ng PCSO na ang kaban ng pondo ay kinukulang dahil sa malawakang operasyon ng sindikato na bino-bookies ang operasyon ng tunay na STL sa Tanauan City.

Marami ang nagsasabi noon na baka ningas-kugon lamang ang pagpapahinto ni Collantes sa STL con jueteng sa kanyang siyudad na tila nagkakatotoo na, dahil sa ulat na may sugo mula sa Tanauan City government na muling iningganyo ang mga pinahintong STL con jueteng operators na muling mag-operate kung sila’y makakapaghahatag ng Php 6 million weekly payola sa kanyang amo na isang mataas na opisyal sa Tanauan City hall.

Ayon sa kumakalat na balita, napakataas ang hinihinging weekly na lagay kumpara sa dating Tanauan City Admimistration na Php 2 milyon lamang kada linggo.

Sa dakong huli ay pumayag na rin daw ang sugo ng Tanauan City Government na muling makapag-operate ang mga operators ng STL con jueteng kapalit ng Php 1.250 milyon kada linggo o katumbas ng Php 5 milyon kada buwan na kokolektahin naman ng isang alias Ocampo sa bawat isang ilegalista sa kabuuang may 30 STL-con jueteng operators sa nabanggit na siyudad.

Si alias Ocampo na kung ituring pinaka- tahirang at untouchbele na gambling operator ay isa ring high value target sa larangan ng bentahan ng droga sa nasabingf siyudad.

Kaya nito lamang August 18, 2022, mula sa pansamantalang pananahimik ay muling umarangkada na naman ang operasyon ng jueteng, kasabay ng bentahan ng shabu sa Tanauan City

Kahit nasa tungki lamang ng ilong ng kapulisan a operasyon ng mga notoryus na gambling lords con pusher ay dedma lang ito ni Tanauan City Police Chief P/LtCol. Antonio Rotol Jr.?

Ang mga drug gambling operator sa nasabing siyudad ay kinilala ng ating police insider na sina alias Biscocho ng Brgy 7, alias Mayor Benir, Kon Angel, alis Kon. Burgos, Melchor at Ablao ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7 at Kon. Perez pawang ng Brgy. Poblacion. Ocampo ng Brgy. Bagbag Emil, Ramil, Aldrin ,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango. sina Tano ng Brgy. Trapiche at alias Rodel ng Brgy. Sambat.

Ang iba pang gambling con drug operators sa Tanauan City ay kinabibilangan ng mga babaing ilegalista na sina alias Ms. Donna at Ms Anabel na nagmamantine ng rebisahan ng taya sa jueteng at salyahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Ms. Lilian ng Brgy. Sambat.

Hindi natin sinasabing totoo ang kumakalat na ulat na ito kay Mayor Collantes, pero para sa atin wala maman sigurong masama kung paimbestigahan ni mayor, alamin ang katotohanan sa likod ng kumakalat na maanghang na balitang ito na pinagpipistahan na kanyang mga kababayan…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

The post P6-M STL-CON JUETENG PAYOLA PARA KAY MAYOR SONNY COLLANTES? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P6-M STL-CON JUETENG PAYOLA PARA KAY MAYOR SONNY COLLANTES? P6-M STL-CON JUETENG PAYOLA PARA KAY MAYOR SONNY COLLANTES? Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.