Facebook

Liza may resulta na ang pag-audition sa Hollywood

Ni WALLY PERALTA

MARAMI sa mga lokal nating actor ang nagtangka at sumabak sa katakut-takot na audition para sa kanilang Hollywood Dreams pero almost 90 % ay umuwing luhaan. Sa kaso naman ni Liza Soberano na ilang buwan lamang ang nakalilipas nang pumirma ng kontrata sa Careless Manila na pag-aari ni James Reid ay agad naging mapalad na maka-first base para sa kanyang pangarap.
Isa na rin sa cast si Liza sa movie na “Lisa Frankenstein” alongside Hollywood stars Cole Sprouse and Kathryn Newton.
Ayon kay Liza, nakilala niya ang direktor ng movie na si Zelda Williams sa isang okasyon na ginanap sa South Korea. Sinabihan umano siya ni Zelda na magpadala sa kanya ng self-audition tape.
Laking gulat na lang ni Liza na halos 2 days makalipas niyang ibigay ang kanyang audition tape ay nakatanggap agad siya ng response mula sa direktor at nagsasabing ‘she got the role’.
Labis ding nagalak ang bagong manager ni Liza sa pangyayaring ito na tila napapabilis ang Hollywood dream ng kanilang talent at naka-first base na ito.
“I didn’t expect it would be this soon. Before she came to Careless, we asked her what she wanted and she said, ‘I want to be in Hollywood.’ I didn’t realize it will only take a month or two to actually land a role. It’s amazing though,” saad ni James.
Una na sanang plano sa karir ni Liza under Careless Manila ay ang makapag-recording ng kanta ang dating Kapamilya actress at dahil sa mahabang preparasyon para sa shooting ng first international movie ni Liza ay malamang sa susunod na taon na ito gagawin ni Liza.
***
GERALD SANTOS, MIXED EMOTIONS SA PAGBABALIK STAGE WITH LIVE AUDIENCE
AMINADO ang Prince of Ballad na si Gerald Santos na ganun na lang ang ‘butterfly’ o kabog sa kanyang dibdib na may halong kaligayahan sa nalalapit na muling pagtuntong sa stage sa harap ng live audience, para sa musical stage show ng true to life ng much talked about doctor of the decade, si Dr. Willie Ong, at ng misis niyang equally famous na si Liza Ong sa “I Will: The Musical” na gagawin sa Metropolitan Theater on October 14, 7PM.
Sa pagpasok ng pandemic sa bansa, nahinto ang mga live show kaya ganun na lang ang tuwa ni Gerald nang makarating sa kanyang kaalaman na ang una ng ipinalabas na virtual presentation ng “I Will: The Musical” ay muling ipalalabas, with bigger cast and more original songs.
“After two years, masasabi ko ngang first time ever ako magpe-perform sa isang bigger venue with live audience. Feeling ko para akong nagsisimula ulit kasi ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko nang sabihin sa akin ang muling pagsasadula ng IWTM.
“Mas matimbang pa rin ang kasiyahan kasi by this time aawit kami ng may nanonood na at maipaparinig sa live audience ang mga awitin na nakapaloob sa show na mahigit halos 40 original songs. Awit na alay namin sa lahat ng ating health workers, frontrunner at lahat ng medical person na nag-alay ng kanilang buhay at serbisyo para sa mga naapektuhan ng pandemya. Sadyang napapanahon,” saad ni Gerald.
Here are the new ensemble cast of the show, kasama rito sina Ima Castro, Jon Joven Uy, Krizza Neri, Roeder Camanag, Vince Conrad, Lance Soliman, Gerhard Krysstopher Karl Navarro at marami pang iba.
Tickets for “I Will: The Musical” are available at ticketworld.com and the show is for the benefit of Mary Mediatrix Center Foundation Inc (Good Samaritan Foundation).

The post Liza may resulta na ang pag-audition sa Hollywood appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Liza may resulta na ang pag-audition sa Hollywood Liza may resulta na ang pag-audition sa Hollywood Reviewed by misfitgympal on Setyembre 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.