Facebook

5 estudyante sugatan sa puting van ng pulis sa Cavite

General Mariano Alvarez Cavite- SUGATAN ang limang estudyante ng aksidenteng mabundol ng isang kulay puti na Nissan Urvan na may plakang AAQ 4143 na minamaneho ng isang pulis na nasa ilalim ng impluwensya ng alak bandang 5:45 ng hapon nuon araw ng biyernes sa Congressional Road, Barangay Poblacion 4 ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang pulis na nakaaksidente sa mga estudyante na si P/Staff Sargeant Anderson Videna, miyembro ng Philippine National Police at naka assigned sa GMA Municipal Police Station at residente sa Brgy. Paligawan, Silang Cavite.

Habang kinilala naman ang mga nasugatan na mga biktima na sina 1. Mark Christian Merillo, 16, 2. Elijah Empas, 18, 3. Hazel May Penaflorida, 15, 4. Princess Sara Arao, 15, at si Lea Cortez, 15, mga pawang residente sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigador na may hawak ng kaso na si P/Staff Master Sargeant Roy Poblete, nagtamo ng mga minor injuries ang mga biktima at agad dinala sa CARSIGMA Hospital sa naturang bayan habang agad na dinisarmahan ang pulis na suspek at isinailalim sa alcohol at drug test medical examination at nakitang nagpositibo sa intoxication o alcohol test ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng GMA Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng Reckless Imprudence in Resulting to Multiple Physical Injuries maliban pa sa Administrative at Criminal Case na kanyang kakaharapin. (KOI LAURA)

The post 5 estudyante sugatan sa puting van ng pulis sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 estudyante sugatan sa puting van ng pulis sa Cavite 5 estudyante sugatan sa puting van ng pulis sa Cavite Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.