Facebook

VAX POLICY NG GOVERNMENT MAPANLINLANG!

Sa PRESS RELEASES at harap ng MEDIA CONFERENCES ay malinaw ang nililitanya ng GOVERNMENT OFFICIALS ang NO MANDATORY VACCINATIONS.., subalit taliwas sa galaw ng pangkalahatan dahil pinaiiral pa rin ang “NO VAX NO WORK” o “NO VAX NO ENROLL” na tuwirang PANLILINLANG sa SAMBAYANAN dahil ang VACCINATION PROGRAM ay nasa kategorya pa lamang bilang EXPERIMENTATION.

Mahigit 2- taon na ang COVID-19 PANDEMIC at ang pamumuwersa ng iba’t ibang GOVERNMENT AGENCIES na kailangang magpabakuna laban sa COVID-19.., na pangunahin ang DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) sa pag-aanunsiyo na ang COVID VACCINES ay aprubado raw ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATOON (FDA) kaya ligtas at epektibong pambakuna laban sa COVID.., gayung ang ipinagkaloob lamang ng FDA sa mga pambakuna ay EMERGENCY USE AUTHORITY (EUA) at hindi pa ginagawaran ng CERTIFICATE OF PRODUCT REGISTRATION; kaya, ang mga COVID VAX ay wala pang.mabibili sa mga merkado o sa mga botika.., kasi, ang lahat ng taong nagpabakuna ay sila ang mga pinag-aaralan o inoobserbahan ng MEDICAL EXPERTS kung ano ang magiging EPEKTO nito sa katawan ng tao.

Sandamakmak na ang dumadanas ng ADVERSE EFFECT at marami na rin ang nangamatay matapos magpabakuna tulad sa mga estudyante na dahil sa kagustuhang makapagpatuloy sa pag-aaral ay nagpabakuna.., pero hindi na ito makapag-aaral dahil kamatayan ang sinapit.

Kaya naman, ang PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) ay sandamakmak na rin ang mga tumatawag at nagpapasaklolo dahil sa diskriminasyon na kung ayaw magpabakuna ay tinatanggal sa trabaho.., taliwas sa iniaanunsiyo ng DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) na “NO DISCRIMINATION o TERMINATION”

Bunsod nito, sa pangunguna ni PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA ay nananawagan sa DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) at sa DOLE na ipatigil na ang panggigipit sa mga hindi bakunadong estudyante, kabataan, empleyado at mamamayang pinili na hindi magpabakuna o tumangging makipagpartisipa sa EXPERIMENTAL COVID VACCINATIONS.

Sa inilabas na FDA REPORTS ay may tala ng mga namatay sa COVID VACCINES mula noong March 1, 2021 hanggang July 25, 2022 at base sa talaan ay may 2,573 ang fatal events o mga namatay (yan lang naitala dahil sa mga liblib na lugar ay maraming mga nangamatay sa pagpapabakuna ang hindi na naiulat pa).., sa mga kabataan ay may 4,003 ulat na natanggap; 383 ay serious at 318 nagresulta sa pagkakaospital at 3,620 ang non-serious.

“Bakit makararanas ng diskriminasyon at panggigipit ang mga hindi pumayag na mabakunahan, samantalang hindi naman ito sapilitan at hindi ito kinakailangan sa eskuwela, sa trabaho at sa iba pang transaksiyon? Bukod sa hindi sapilitan ang pagbabakuna, ang mga mabakunahan ng COVID-19 ay hindi rin naman immune sa impeksiyon ng COVID-19. Hindi ba malinaw na paglabag ito sa isinasaad ng batas anuman ang sabihing layunin ng pagpapatupad?” saad ni PAO CHIEF ACOSTA.

Pero, bakit nga ba pursigido ang Ilan nating GOVERNMENT OFFICIALS lalo na ang DOH na magpabakuna at magpabooster ang lahat ng mga fully vaccinated? Ang LOGIC ay NEGOSYO.., Hindi lang ang VAX MANUFACTURERS kundi maging ang mga VAX INITIATOR ay magkaka-kuwarta rin dahil sa komisyon.., alangan namang VAX MANUFACTURERS lang ang kikita e gayong EXPERIMENTAL pa lang yung naimbento nilang bakuna. Siyempre pa, gusto ring maipakita ng DOH na ang lahat nilang inorder na COVID VACCINES at BOOSTERS ay magamit at hindi maistak o maexpired ang bisa ng mga inorder nila at maiwasan nilang makuwestiyon ng COMMISSION ON AUDIT (COA) dahil sa sobra-sobrang order.

Ngayong pasukan ng mga mag-aaral ay nagsaad ang DOH na maglalagay ng VACCINATION SITES sa mga eskuwelahan para mabakunahan at mapuwersa ang lahat ng mga estudyante.. pero, may babala rito sI PAO FORENSIC EXPERT ATTY. DR. ERWIN ERFE na ang mga opisyal o SCHOOL ADMINISTRATORS na mamimilit sa mga ayaw magpabakuna ay puwedeng maipagharap ng kaso sa korte.., kailangan lang ay maidokumento ang mga pamimilit o mabidyuhan para may ebidensiya.

Sa nakaraang press conference ng PAO ay nalitanya ni CHIEF ATTY. ACOSTA ang “TAYO AY NAKATANIKALA SA NEGOSYO”.., opo mga ka-ARYA, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong daigdig ay naitanikala sa NEGOSYO ng COVID.., na EXPERIMENTAL pa lamang ang mga naimbentong COVID VAX ay pinuwersa na ang lahat ng mga bansa na bumili ng mga pambakuna at maging ang SOCIAL.MEDIA ay tila naging kakutsaba ng WORLD HEALTH ORGANIZATIONS (WHO) at ng VAX MANUFACTURERS na ang mga ipopost na video ng mga dumadanas ng ADVERSE EFFECT mula sa bakuna ay agad ding binubura na isang uri ng PANLILINLANG SA LAHAT NG MGA BANSA!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.0

The post VAX POLICY NG GOVERNMENT MAPANLINLANG! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VAX POLICY NG GOVERNMENT MAPANLINLANG! VAX POLICY NG GOVERNMENT MAPANLINLANG! Reviewed by misfitgympal on Setyembre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.