Facebook

Kuya Boy 3 taon nang walang trabaho, miss na ang TV

Ni JOVI LLOZA

TUNAY na miss na nang bonggang-bongga ng King of Talk na si Boy Abunda na makabalik sa telebisyon.
Kaya nalilito ang netizens at napahula kung saang network mapupunta si Kuya Boy after ng kanyang commitment.
May series of hosting events si Kuya Boy sa Amerika.
Mga ilang linggo rin ang pananatili ni Kuya Boy sa Tate para sa nasabing hosting event nito.
Kaya nag-iisip ang netizens kung saan bang network pupunta si Kuya Boy after ng kanyang raket.
May bulung bulungan na tila magbabalik Kapuso ito pero wala pang kumpirmasyon at isa lang naman ang natsika nito na marami siyang kinakausap.
Nagpaalam naman daw si Kuya Boy sa ehekutibo ng Kapamilya at pinayagan ito sa kanyang paglipat.
Kinumpirma ng King of Talk na wala namang offer sa kanya ang AMBS na pag-aari ni Manny Villar.
Dagdag tsika pa ay tatlong taon na rin daw walang trabaho si Kuya Boy sa kabila na nakipagsabayan ito sa trending at in ngayon ang online show sa socmed.
Pero iba pa rin ang arrive ng telelebisyon na di nito puwedeng talikuran kaya sa pagbabalik nito sa bansa ay doon malalaman kung magiging Kapuso na ulit ito.
***
INAMIN ni Janella Salvador na isa na siyang single parent ngayon.
Noon pa matunog at usapan ang tila on the rocks na relasyon nila ng ama ni Jude na si Markus Paterson.
Na-inspired daw si Janella sa inang si Janine Desiderio na isa ring single parent.
Nakita nga raw ni Janella ang pagpapalaki sa kanila ng singer actress na si Janine.
Buong ningning na ipinagmalaki ni Janella ang kanyang pagiging solo parent sa anak na si Jude.
Naniniwala si Janella na kakayanin nito na buhayin ang anak na mag-isa kahit di pa ito humingi ng tulong sa iba at sa ama nito.
September 2020 nang isambulat nito ang relasyon kay Markus at matagal na nabalitaan na nagkahiwalay na nang tuluyan ang couple.
Well, well, well…Yun na!

The post Kuya Boy 3 taon nang walang trabaho, miss na ang TV appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kuya Boy 3 taon nang walang trabaho, miss na ang TV Kuya Boy 3 taon nang walang trabaho, miss na ang TV Reviewed by misfitgympal on Setyembre 05, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.