Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng small celebration. Pero hindi niya na nagawang ipagdiwang ang kanyang kaarawan dahil tinamaan siya, ang kanyang asawa na si Paulyn Quiza, at anak ng COVID 19.
Kwento ni Polo, “Nagkaroon na kami ng COVID dati pati siya (Paulyn), pati yung baby namin tinamaan. Birthday ko pa last June. Meron dapat akong parang small celebration for my 40th birthday. Naka-prepare na sya, nakahanda na lahat, tinamaan kami ng 24. June 24 nagka-symptoms kami pati yung baby. Kaya hindi natuloy plus nakita ko hindi omicron yung tumama sa amin medyo malakas eh.
“Hinihingal kami. Good thing malakas yung baby.”
Pero nilagnat naman daw ang kanilang baby ng 2 days. Kaya naiyak daw si Polo sa awa sa kanilang panganay.
“So talagang naiiyak ako nun sabi ko ‘my God ganito pala yung feeling nun’. Hindi ko alam bakit yung ibang tao minamaliit nila yung Covid. Sa amin hindi omicron eh so, talagang ang tindi. So sabi namin yung night out wala muna not unless importanteng importante.”
Nagpapasalamat si Polo sa Nasa Itaas na okey na siya ngayon at ang kanyang mag-ina.
Samantala, may tinutulungan si Polo na isang Japanese rapper-singer na si Tomoro para magkaroon ng career at fan base sa ating bansa.
Pero nilinaw niya na hindi siya ang tumatayong manager nito.
Ang unang step na ginawa ni Polo para kay Tomoro ay nagpatawag siya ng meet and greet with the press and influencer para maisulat at maibalita si Tomoro at ang kanyang latest single na Let Me Hold You ka-collab ang American-Jamaican singer na si Sean Kingston. May music video ito featuring Arci Munoz.
Sabi ni Polo,”Subukan natin na tulungan siya (Tomoro). Kasi baka kapag naging successful siya sa Pilipinas, magbigay siya ng trabaho sa mga kasamahan natin sa industriya, ‘di ba?”
May plano ba silang turuan na magsalita ng Tagalog si Tomoro at gawan ng rap song para mapalapit sa mga Pinoy?
“Tingin ko po interesado siya na gawin ‘yun (rap song. Pero siyempre, inaayos muna niya ‘yung matuto siya ng English. Kasi, all over the world yung gusto niyang ima-market (yung kanta niya). Kasi sa Japan, hindi nga masyasong tanggap ang rap song.”
Si Tomoro ay single pa. At sa tanong kung may posibilidad ba na magkagusto siya sa isang Filipina, ang sagot niya ay”Yeah.”
***
3 KUMU SHOWS MULA SA MPJ NETWORK, SIMULA NA
MAMAYANG gabi ay mapapanood na sa Kumu app at MPJ Network YouTube Premium channel ang tatlong Kumu show mula sa MPJ Network. At ito ay ang
“Kids Toy Kingdom” at 6pm, hosted by singer Hannah Ortiz and Tom Leano, “Millenials Lifestyle” at 7pm, hosted by singer Sofi Fermazi, Chesca Orolfo, Archie Alcantara and Lyra Sloan with pilot guest Marie Preizer, at “Simply Equisite” at 8pm, hosted by in-demand event host Nicky Gilbert with guest Pearl Gonzales.
Ang mahusay na direktor na si Perry Escano ang sumulat at direktor ng nasabing tatlong shows sa Kumu. Si Direk Perry din ang tumatayong manager ng young hosts and new faces sa showbiz industry.
“Tatalakayin sa Toy Kingdom ang paboritong toys ng mga bata at yung mga toy collectors. And of course sa Millenials Lifestyle naman po, nandito po ‘yung mga trends sa music, of course sa concert, sa bands. Magta-topic din po tayo rito tungkol sa buhay ng mga millenials.
“Yung Simply Equisite naman po, tungkol po ito sa mga fashion po, yung mga dress accesories, tungkol din sa lifestyle ng mga celebrities. Of course tatalakayin din po rito ‘yung professional models and ‘yung mga designers po natin,” sabi ni Direk Perry tungkol sa tatlong shows.
The post Pati misis at anak…Polo naunsyami ang b-day celeb nang tamaan ng Covid appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: