Ni WALLY PERALTA
WALANG makakontra pagdating sa pag-portray ng magaling na aktor na si Dennis Trillo ng iba’t ibang klaseng role. Tulad na lang ng huling papel na kanyang ginampanan sa hit na seryeng ‘Legal Wives’ na isang Muslim royalty ang role ni Dennis at nabigyan niya ng justice ang pagiging isang datu.
Ngayon naman ay isang sikat na karakter sa librong sinulat ni Gat Jose Rizal, ang “Noli Me Tangere” na si Crisostomo Ibarra ang kanyang papel sa historicportal fantasy series, ang “Maria Clara At Ibarra” samantalang si Julie Anne San Jose naman ang gumanap bilang si Maria Clara at si Barbie Forteza ang modern Maria Clara or Klay.
Ayon kay Dennis, medyo nabigatan siya sa kanyang bagong role, bukod kasi sa tamang paggalaw, pananalita at pananamit noong mga panahon na yun, kailangan pa rin niyang aralin ang mga sinaunang salitang Pinoy.
“Medyo mabigat siya dahil hindi ka puwedeng magkamali, e! Kailangan tama lahat ng mga salitang bibigkasin mo, kailangan akma sa panahon na yun, sa setting na yun.
“So medyo mabigat talaga, marami kang kailangang isipin para maging authentic yung mga eksena, paniwalaan siya na nangyari talaga noong unang panahon,” say ni Dennis.
At isa pang challenge na kahaharapin ng “Maria Clara at Ibarra” ay ang tsikang papalitan ng seryeng ito ang “Lolong” nangungunang serye ngayon.
***
KABILANG ang apat na maimpluwensiyang tao sa larangan ng showbiz sa listahan ng 100 Most Powerful People in the Philippines ng Esquire Magazine’s 100 Most Powerful in PH list. Ito ay sina Heart Evangelista, Mr. Johnny Manahan, GMA Chairman & CEO Felipe Gozon at Viva Big Boss Vic del Rosario.
Masasabing sa larangan ng collaborative fashion ang naging sanhi ng pagpili kay Heart samantalang knows naman ng everybody na pagdating sa star building ay name ni Manahan ang nasa pangunahing listahan sa ngayon from Star Magic to Sparkle of GMA7.
Pasok sa Titans of Industry, Media, Academia si Atty. Gozon, na hanggang sa kasalukuyan ay nagsisilbing driving force para maging profitable media giant ang Kapuso Network.
Samantalang si Boss Vic naman ay dahil na rin sa deka-dekadang pamamayagpag ng Viva Films sa paggawa ng pelikula at nakilala bilang the man behind the careers of some of the biggest names sa showbiz na kinabibilangan nina Vice Ganda, Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, James Reid, Nadine Lustre, at iba pa.
The post Dennis inamin, nabibigatan sa role sa ‘Maria Clara at Ibarra’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: