Mikael suportado ang misis na si Megan kung ayaw pa magkaanak; Dennis pinatatahimik ng film outfit vs Julia
Ni GERRY OCAMPO
BIGLANG tumahimik si Dennis Padilla matapos na maglabas ng sama ng loob sa anak na si Julia Barretto sa kanyang Instagram account.
Kaagad na binura ni Dennis ang post niya at may bagong post ang actor na old photos nila ni Julia na kung saan nakikipag-ayos na siya sa anak.
Nagtataka tuloy ang mga Marites sa biglang kambiyo ni Dennis laban kay Julia.
May tsika umano na binawalan si Dennis ng Viva na magpost ng hindi maganda laban sa anak.
Ayon sa latest vlog na Showbiz Now Na ni Nay Cristy Fermin ay kinausap si Dennis ng kanyang manager na si June Torrejon-Rufino sa utos na rin ng Viva Big Boss Vic Del Rosario.
“Ganito `yun, ayon sa aking source na hindi nanununog at nangunguryente, tinawagan ni Boss Vic del Rosarilo ang manager ni Dennis na si Tita June Rufino,” tsika ni Nay Cristy.“
At ang sabi, `June, kausapin mo ang alaga mo, Heto na naman, mayroon na namang issue sa kanila ni Julia, lalalim na naman nang lalalim ito.
“Ang ginawa ni Tita June, kinausap si Dennis. Natural kasama na ru`n ang pagkastigo,di ba? Dahil si Julia ay nasa Viva rin, di ba?” patuloy ni Nay Cristy.
Talent din kasi ng Viva si Dennis at ayaw daw ng Big Boss ng Viva na sila-silang nasa iisang tahanan ang nag-aaway-away.
“Agad-agad binura ni Dennis yung mga post. `Yun ang nangyari,” say ni Nay Cristy.
Kaya dahil dito ay malamang hindi na matutuloy ang interview ni Karen Davila na ni-request mismo ni Dennis.
Matatandaan kasi na ilan sa sunud-sunod na post ni Dennis matapos ang naging panayam ni Karen kay Julia ay nag-request din ang veteran actor na interbyuhin din siya para malaman ang kanyang side.
Sinagot naman ito ni Karen na nangangahulugan na willing siyang interbyuhin ang ama ni Julia.
“Pero mukhang hindi na matutuloy (ang interview),” say ni Nay Cristy, “Mukhang wala nang papayagan si Tita June Rufino na maka-interview kay Dennis at kung payagan man yan, kailangan nang dumaan sa kanila kung ano ang `set of questions.`
Tila totoo ngang nakaapekto sa resulta ng takilya ang movie ni Julia na Expensive Candy ang naging interview sa actress.
Ayon kasi sa isang reporter na nanood ng nasabing movie na apat lang daw silang nasa loob ng sinehan, At yung dalawa raw ay senior na.
***
SA podcast ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ay ang hindi pagkakaroon ng anak ang pinag-uusapan.
Dalawang taon na kasing kasal ang dalawa kaya hindi maiiwasang matanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang anak.
Sabi naman ni Megan na hindi nila problema ni Mikael kung magkakaanak man sila o hindi. Nagugulat daw ang tao kapag nalaman na wala pa silang anak dahil karaniwan sa pamilyang Pinoy ay may anak na after one or two years matapos magpakasal.
“My answers to those questions would be, if we have kids, then we have kids, If we don`t, we don`t, If I get pregnant, okay, and if, then we just continue living life. I guess it`s not normal or it`s not like a common thing for couples to be like. “Yeah, we`re fine even if we don`t have kids,” pahayag ni Megan.
Ayon naman kay Mikael, si Megan daw ang dapat mag-decide kung magkakaanak sila dahil ito ang magbubuntis at magdadala ng baby.
“I say we`re going with the flow and it`s really all up to Bones (Megan). Because like you said, you are the baby carrier and I`m just here to tell then that I`m here to support.”
Habang wala pang plano ang mag-asawang Megan at MIkael na magka-baby ay ini-enjoy nila ang kanilang sarili by travelling.
Sa ngayon ay si Mikael pa lang ang may regular show sa GMA-7, napapanood siya sa Running Man Ph at si Megan naman ay naggi-guest habang naghihintay ng project.
Samantalang nagtatanong ang followers at fans ni Mikael kung kailan siya magiging guest sa Bubble Gang. Matatandaan dating regular cast si Mikael sa longest running gag show sa telebisyon, ang BG na napapanood every Friday, 9:40 pm sa Kapuso Nework.
The post Mikael suportado ang misis na si Megan kung ayaw pa magkaanak; Dennis pinatatahimik ng film outfit vs Julia appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: