Facebook

ALISIN ANG MGA BOBO SA IMMIGRATION

MAAGANG paghahanda sa madalang pa sa ulan na biyayang alay ng anak na nagbabalik serbisyo sa magulang na nagpalaki at nagbigay biyaya. Inihanda ang bawat dapat na kakailanganin sa paglalakbay ngunit hindi naging sapat ang dapat. Naghanda ng mga dokumento na gagamitin upang hindi maantala sakaling hanapan. Nariyan na nagsumite ng leave form sa opisinang pinagsisilbihan. Walang itinago at binanggit kung ano, saan, kailan at ano ang paggagamitan ng pagliban sa tanggapan. Sa pagsasabi ng tapat, ang nais ay mabigyan ng kaukulang advised kung sapat na ang kailangang dokumento nang ‘di magkaaberya saang larangan sa paglalakbay.

Sa totoo lang, higit sa dalawang linggo ang pagitan ng ipinasa ang leave form upang paghandaan ang haba ng proseso bago ang actual na petsa ng paglalakbay. Na kung may kailangang gawin, may sapat na panahon upang punuan ang anumang kakulangan. Sa madaling araw ng pag-alis nariyan na ang pananabik dahil sa haba ng panahon na ‘di nakapaglakbay at ang unang pagkakataon na puntahan ang isa sa mga pangarap na bansa na madayo. Ipinasa ang mga dokumentong kailangan maging ang ibinigay na form sa paliparan na kailangang punuin ng kailangang detalye. Tulad ng mga dati, naging matapat sa paglalahad ng ano mang kaukulang datos na hinihingi ng Immigration Form.

Sa pagharap sa isang aroganteng Immigration Officer na kinaiinisan ni Atty. Gadon yung bobo, hinahanapan ng kung travel pass o authority ang pasahero. Hindi naipakita ng pasahero ang travel pass o authority dahil hindi ito hinihingi sa opisinang pinapasukan dahil hindi mahaba o marami ang araw ng pagliban. Tulad ng pagsasaad sa una, maagang nagpasa ng official leave ang pasahero sa tanggapan ng Philhealth nang may katapatan kung saan at para saan ang gagawing pagliban. At walang ibinigay o paghahanda sa kung ano pa ang kailangan. Sabihin na may kakulangan ang pasahero maging ang ahensyang nabanggit, bakit humingi pa ng ibang patunay na ang pasahero’y sa pamahalaan nagtatrabaho, para saan pa? Ipinasa ang company ID, ngunit tila may kulang.

Sa pagpapalitan ng pagpapaliwanagan, nagbanggit ito ng mga circular o kautusan mula sa iba’t – ibang ahensya ng pamahalaan at hingiin ang mga binabanggit na dokumento wala itong maipakita. Atensyon Kalihim Atty. Boying Remulla at Comm. Atty. Norman Tansingco, bobo ang mga tao niyo sa NAIA Terminal 2, baka nais na itaas ang kalidad ng serbisyo sa paliparang ito. Pangalawa, mga bossing, tanong lang, kailangan bang humingi ng ATM Card ng Landbank ang Immigration Officer upang ma-verify kuno kung tunay na kawani ng pamahalaan ang kausap? Gayung nagbigay o pinakita na ang official ID kung saan ahensya ito konektado? Para saan at kailangan ng ATM Card ng Landbank sa verification? ‘Di ba kalabisan ito o nagpapahiwatig ng padulas? Alisin ang labis at palitan ang mga BI personnel sa NAIA Terminal 2.

Pangatlo mga bossing, kailangan bang banggitin ng isang Immigration Officer na hindi kailangang maglakbay ang kawani ng PHILHEALTH? Sa anong dahilan na ipinagbabawal ang paglalakbay ng mga tauhan ng nabangit na ahensya lalo palabas ng bansa. Ano ang meron sa ahensyang ito na dapat banggitan ng masasakit na pananalita? Napatunayan ba ang mga akusasyon sa PhilHealth? Sumasalamin ba sa lahat ng kawani nito kung may anomalya? Masakit ang pagsasabing ito ng kawani ng pamahalaan mula sa kapwa kawani. Hindi nagpakita ng paggalang ng isang empleyado na dapat serbisyo at respeto ang ibigay.

Pang-apat mga bosing, tila tinatakpan ng Immigration Officer ang ID nito upang hindi mabasa ang ngalan lalo nang may pagtatalo, ito ba’y SOP. Wala na ang dating kasanayan na nakapaskil ang ngalan ng kawani lalo sa mga frontliner ng pamahalaan tulad ng BI. Dapat lang na ibalik ito. Hindi lang usapin ng negatibo ang pagkakakilanlan ng mga kawani, higit upang mabigyan ng kaukulang pagkilala ang mga matuwid at mabuting pagseserbisyo sa bayan.

Sec. Boying Remulla at Comm. Norman Tansingco, hindi hinahanapan ng mali ang tanggapan na pinamumunuan, ang maglagay ng mga taong may kakayahan at magalang ang dapat tumao sa lugar na nasa harapan ng laban. Iba ang may kaalaman, at ‘di kailangan ng maraming paliwanag sa kung ano ang patakaran. Ang paghingi ng iba’t ibang dokumento’y patunay na hindi lamang BI sa NAIA T2 ang patakaran. Nais na inabot na mag-update, magpaskil ng ngalan ng mga tauhan lalo sa booth na ginagalawan. At kung may mga bagong kautusan, magpaskil ang bureau lalo sa social media. Nakakabahala na maging ang ATM CARD na isang pribadong pag-aari’y hinihingi para sa beripikasyon, bakit at para saan? O isa itong uri ng panghihingi na ‘di nabasa ng kausap.

Mapait ang karanasang nakamtan sa halip na serbisyong tapat sa kawani ng Bureau of Immigration ang dadalhin hanggang sa kinabukasan. Walang pagdududa na ang kagalingan ang ibig ngunit ito’y hamakin ang pagkatao ang nagpanginig ng laman ng isang diabetikong pasaherong labis ang galit. Walang pagsasaalang-alang sa ‘di batid na kalagayang pangkalusugang. Walang puwang na tumanggap ng kontra-kaisipan at ang aroganteng pagsasalita na may banta ng pananakot. Ang matindi nito, ang pangungutya sa pinanggalingang ahensya na tila may batik ang lahat ng tao o tauhan. Ang pangungutya ang tunay na ‘di tanggap na inusal ng kawani na hindi batid ang puno’t dulo ng sinasabi. At ito ang pait na ‘di tanggap ng pasahero na hindi nagpatulog sa sumunod na magdamag.

Kung may nabasa o may karanasan ang kawani ng BI T2, hindi tamang lahatin ang mga nakausap na galing sa ahensyang nabanggit at huwag magbitiw ng mga salita na ‘di kanais-nais sa tao na ngayon o duon pa lamang nakita. Hindi tamang lahatin sa isang karanasan ang sino at ‘di naging bahagi ng karanasan. Hindi makatuwiran at ito’y pagyurak sa pagkatao ng kausap. Sa totoo lang, isang mapait na karanasan na nakamit sa isang tao doon pa lang nakita. Sa totoo lang, nagsimula ang lahat sa masayang balaking paglalakbay. Ngunit kapaitan sa buhay ang naranasan sa isang kawani ng BI na arogante’t walang galang.

Sa huli at pinagtatakhan, hindi tanggap ng kasalukuyang pamahalaan ang paglalahad ng tapat. ‘O sadyang bumaba na moralidad sa pamahalaan na ginawang sangkalan ng mga tauhan. Panahon na Kalihim Boying Remulla at Comm. Norman Tansingco, na nagpapakita ng pagbabagong nais ng Pilipinong mananakay. Pagbabago na nagbibigay kasiyahan at hindi kapaitan tulad ng naranasan ng pasaherong minamahal. Alisin ang mga kawani sa BI T2 na kinaiinisan ni Gadon, ang mga bobo.

Maraming Salamat po!!!

The post ALISIN ANG MGA BOBO SA IMMIGRATION appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ALISIN ANG MGA BOBO SA IMMIGRATION ALISIN ANG MGA BOBO SA IMMIGRATION Reviewed by misfitgympal on Oktubre 13, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.