DINIIN ni Atty. Ferdie Topacio, isa sa legal counsel ni Negros Oriental Gov. Henry Teves na hindi ito dapat bumaba sa pwesto bagkus ay ituloy ang serbisyo publiko kaninang umaga sa Presscon na ginanap sa Kapitolyo ng Negros Oriental.
“Pinayuhan ko po siya (Gov. Teves) na manatili dito sa Kapitolyo at ipagpatuloy ang pagganap niya sa mga tungkulin bilang Gobernador mg lalawigan ng Negros Oriental,” paunang pahayag ni Atty. Topacio.
Sinabi nito na si Teves ang na-proklema at nanalo sa halalan bilang Gobernador at ito ay nanumpa.
Matantandaan na si Gov. Teves ay sinabihan ng Commission on Election (Comelec) na iwan ng pwesto dahil sa pagkakapanalo ni dating Gov. Roel Degamo sa kasong hinain nito laban kay Ruel Degamo na tumakbo din bilang gobernador ng Negros Oriental.
Sinabi ni Topacio na hindi ito naaayon sa batas, dahil una, mali na 3 lamang mag bumuto sa Comelec sa isang kaso. Dapat umana ay at least apat na boto bago madesisyunan ang isang hinaing kaso sa eleksyon.
Sinabi din nito, na si ex-Gov. Degamo din ay may nakabinbin na kaso dahil ito ay pang apat na beses ng tumakbo bilang gobernador na sa batas ay hangang tatlo lamang.
“Bakit nauna pa ma desisyunan ang kaso ni Degamo laban sa isa pang Degamo eh kung mas dapat mauna ma desisyunan kung legal nga ba ang certificate of candidacy nitong si ex-Gov. Degamo?,” dagdag nito.
Pinagdiinan din ni Topacio na hindi dapat Comelec o DILG ang magpaalis kay Gov. Teves bagkus ay ang “proper court” ayon sa batas.
Si Gov. Teves ay humarap sa media na kasama ang mga Mayors ng Negros Oriental upang magbigay ng suporta sa Gobernador.
The post Atty. Topacio: ‘Di dapat bumaba si NegOr Gov. Teves appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: