Ni GERRY OCAMPO
SOBRANG mahal pala ng Hermes bag na gamit ni Heart Evangelista nang rumampa sa Paris Fashion Week. Ang halaga nito sa US dollars ay $84,400 na kung sa pera natin ay aabot ito ng P4,958, 585.
Ang description sa bag ay “Hermes Birkin bag betton matte aligator with palladium hardware.”
Caption ni Heart sa kanyang post, “Pretty in white (white heart emoji) Hermes.”
Marami ang nagtatanong kung ano raw ba mayroon sa bag na gamit ni Heart at ganoon kamahal ang halaga ng nito.
Sabi tuloy ng isang netizen na kahit na raw mayaman siya ay hindi niya gagastusin para lang bilhin ang nasabing bag. Sa hirap ng buhay ngayon ay dapat mag-isip muna bago gumastos ng ganoong kamahal na bag.
Anyway, ang nasabing bag ay most expensive bag na isa lang sa pagmamay-ari ni Heart. Sa Instagram ng actress malalaman kung gaano kamahal ang kanyang mga bag.
Siyanga pala pagkatapos mapanood ang cameo role niya sa Bling Empire ay muli siyang mapapanood sa Netflix Philippines dahil streaming na ang romantic drama series niyang I Left My Heart in Sorsogon.
Going back sa cameo role niya sa Bling Empire na isang American reality television series, kuwento ito ng buhay ng mayayamang Asian-American na naninirahan sa Los Angeles, California, USA.
Nakasama si Heart sa episode 9 ng Season ng Bling Empire na nakaeksena niya ang Fil-Am celebrity friend niya na si Kane Lim na mainstay ng series.
Ang pagkakasama ni Heart sa nasabing American reality TV series ay kinainggitan ng ilang celebrities. Pero alam kaya nila na dalawang minuto lang ang eksena ni Heart dito?
May ilang netizens ang nag-comment na hindi naman pala big deal ang pagkakasama ni Heart sa nasabing TV series at hindi naman ito isang Hollywood movie.
***
Dra. Belo sinabihan ng doctor, “you`re dead in two years!”
IPINAGTAPAT na ng sikat na celebrity dermatologist na si Dra. Vicki Belo na na-diagnose siya ng breast cancer 6 years ago at nasa stage 3 na ito.
Sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez sa bagong show nito sa Net 25, ikinuwento ng celebrity doctor ang mabigat na pinagdaanan niya noong 2016.
“This is the first time I`m going to discuss it and only because I trust you and I think it`s over,” simula ni Dra Vicki. “ I had cancer in 2016 and I was diagnosed with third stage cancer of the breast.”
Nagpunta siya sa Europe at New York para magpagamot kaya nawala siya ng dalawang taon.
Pagdating ng Europe ay sinabihan daw siya ng mga doctor doon na malapit na siyang mamatay.
“I was diagnosed, I think, January of the year (2016), and then, I went to Europe and I was told by them there that I was going to die. (they said) `Don`t bother to have chemo. Just fix your affairs, you`re dead in two years,” aniya.
Kaya ginawa raw niya nagtungo siya sa New York at doon ay sinabihan siya ng mga doctor na, “We`ll try our best.”
Sa kagustuhan na maaari pa ring magamot ay sumailalim siya sa chemotherapy. Pero habang nagpapagamot daw siya ay marami rin nangyari sa kanyang buhay kabilang na ang pagpanaw ng kanyang ina at pagpapakasal ng anak niyang si Cristalle.
Sinabihan siya ni Korina na nagbibigay ng lakas sa kanya para gumaling ay ang anak niya kay Hayden Kho na si Scarlet Snow.
“I want to be with her. I don`t wanna leave her so young, I kept praying, `Lord, please give me time.” emosyonal na say ni Dra Belo.
The post Heart 2 minuto lang ang exposure sa American TV series appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: