SA mga ikinikilos at nakikitang naging dagliang pag-aksyon, damang-dama ang pagiging totoo sa kanilang sinumpaang tungkulin nina National Capital Region Police Office Chief, PBGen. Jonnel Estomo at Northern Police District Director, PBGen. Rogelio Ponce Peñones Jr.
Bilang matatapat sa tungkuling mga senior police official, hindi maikakaila na nais ng dalawang magiting na opisyal na magtagumpay sa trabaho, lalo’t ang kanilang hurisdiksyon ay Metro-Manila na luklukan ng kapangyarihan at sentro ng komersyo.
Maganda at may tiyak na mararating ang ikinasang “24 hour gising ang kapulisan para kayo ay bantayan program” na iniutos ni Estomo na ipinatutupad ni Peñones Jr. at lima pang Metro-Manila police director.
Wika nga ay hinay-hinay lang, ngunit sigurado at nagkakabunga naman, ang brainchild program na ito ni Estomo ay nagreresulta ng kaliwa’t-kanang pagdakip ng mga kriminal at katahimikang nararanasan ng mga residente ng Kalakhang Kamaynilaan.
Pero, siguro’y hindi dapat sa programang ito lamang tumutok si Estomo pagkat lingid sa kanyang kaalaman, ang malinis niyang imahe ay nadudumihan ng ilang nilalang na sa ngalan ng pera ay gagawa ng kasamaan gamit ang pangalan ng mabunying heneral.
Gaya na lang ng isang nagngangalang “SHORNACK” na dating pulis, at kilalang gambling lord, umiikot ito sa mga iligal na sugalan sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela), ipinanghihingi ang dalawang walang kamalay-malay na Metro-police official ng lagay.
Malinaw na kasiraan kina Estomo at Peñones ang panghihingi ng tongpats ni SHORNACK sa mga gambling operator na matagal na raw ginagawa, subali’t hindi napapansin ng mga nagdaang hepe ng NCRPO.
Dapat ay kumilos sina Estomo at Peñones Jr. dahil ang patuloy nilang pananahimik, pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan sa kotong activities ni SHORNACK sa North Metro Manila ay nagdudulot ng pagdududa sa isipan ng mamamayan?
Dapat ay ipahuli nina Estomo at Peñones Jr. si SHORNACK dahil ito ang tamang paraan para mahinto na ang pangongotong ng salot na ex- cop, na ayon pa sa ating mga KASIKRETA sa Camp Crame ay sangkot din sa iba’t iba pang kabalbalan.
Bukod kina Estomo at Peñones Jr., si SHORNACK ay ginagamit din ang pangalan ng walang kamalay-malay na Caloocan City Mayor Along Malapitan, hindi sa pangongotong kundi sa paninindak ng mga pulis para sumunod sa kanyang utos na hulihin ang mga iligalistang ayaw magbigay sa kanya ng hinihinging lagay o protection money.
Si SHORNACK ay isa lang ordinaryong mamayan at bagama’t retirado nang pulis nagagawa pa rin nitong utusan ultimong ang mga police chief o iba pang opisyal para lusubin ang mga iligalistang kanyang tinatakot na pahuhuli kung hindi magbibigay ng weekly tong, kaladkad ang pangalan nina Estomo at Peñones Jr.
Kapag siya’y hindi sinusunod, sasabihin sa police chief o iba pang opisyal na ginamit lamang siya ni Mayor Along Malapitan para itawag sa kapulisan na salakayin ang mga iligal na pasugalan, pero ang katotohanan ay gawa- gawa lamang niya ito para mawalan siya ng kakumpitensya sa iligal na hanapbuhay.
Bukod kasi sa pagiging tong collector sa CAMANAVA ay vice operator din si SHORNACK, na ang sentro ng kanyang 15 butas na karera bookies operation ay nakakalat sa lugar ni Mayor Honey Lacuna at sa Caloocan City.
Pagyayabang ng taong ito, naglalagay siya sa opisina ni CIDG Director P/Maj.Gen. Ronald Lee sa Camp Crame, ilang units ng NCRPO at sa opisina ni Western Police District Director, BGen. Andre Perez Dizon.
Kung si Estomo, Peñones Jr, Lee at Dizon ay nagagamit ni SHORNACK ang pangalan sa pangongotong sa CAMANAVA, ‘ di malayo na pati si PNP Director General Rodolfo Azurin Jr. ay walang kaalam- alam na baka kasama rin sa listahan ng mga heneral na ipinanghihingi ng tong ng gagong ex- cop na ito. Abangan…
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.
The post ESTOMO, PEÑONES IPINANGONGOTONG NI “SHORNACK”! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: