Ni ROMMEL PLACENTE
SUMALANG si Bea Alonzo sa lie detector test sa guesting niya sa Unang Hirit. Sinagot niya ang ilang maiinit na tanong.
Nang tanungin si Bea kung ang nobyong si Dominic Roque na ba ang gusto niyang makatuluyan sa buhay, mabilis na sagot ng aktres, “Oo naman.”
“Sana, sana. Siyempre hindi na tayo naglalaro,” dagdag niya.
Inilarawan ng aktres na husband-material para sa kanya si Dominic.
Samantala, hindii naman itinanggi ni Bea na nakararamdam din siya ng kilig kapag ka-eksena niya si Alden Richards sa kanilang TV series.
“Oo naman! Sino ba namang hindi? ‘Pambansang Bae’ ito. Tsaka guwapo si Alden, tapos the way he looks at you, parang nakakatunaw paminsan,” sabi ni Bea.
***
TUNGKOL pa rin kay Bea, hanggang ngayon ay nagsusulat at nagsasalita pa rin ng hindi maganda tungkol sa kanya si Manay Lolit Solis.
Sa paninirang yun ng talent manager kay Bea, ayon dito, sinisisi raw siya sa pagiging haggard ngayon ng aktres
Sabi ni manay Lolit, “Kaloka talaga na ibinibintang sa akin na kaya daw mukhang haggard si Bea Alonzo dahil sa mga posting ko hah hah hah.”.. .
Pero ayon kay Lolit, ang dahilan daw kung bakit haggard tingnan si Bea ay dahil sa panggo-ghosting dito ng ex niyang si Gerald Anderson.
“Kahit ano pa sabihin, iyong ghosting ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo made her mukhang haggard at has been dahil ipinagpalit siya sa isang bata at magandang Julia Barretto. No way na maalis iyon sa utak ng tao, at ang tanong na bakit iniwan , ipinagpalit “..
***
SA vlog ng Gold Squad, tinanong ni Francine Diaz si Seth Fedelin kung totoo raw ba na umamin ito sa isang babae pero hindi nito pinanindigan.
Na parang ang ibig sabihin ni Francine na umamin si Seth sa isang babae na gusto niya ito pero hindi naman niya niligawan.
Oo ang sagot ni Seth. Sabi naman ni Francine ay kung may explanation si Seth sa naging sagot niya.
Pero ayaw magbigay ng explanation ang young actor Sa kanya na lang daw yun at dun sa girl.
Pagkarinig ng sinabing yun ni Seth ay napa-um na lang si Francine at natawa.
Sabi naman sa kanya ni Seth, ‘huwag ng um, umano, tatawa pa eh.’
Hindi kaya ang reason kung bakit natawa si Francine ay dahil alam niyang siya yung girl na tinutukoy ni Seth at nahihiya lang ito na umamin?
The post Bea nagmukhang haggard na mula nang ipagpalit sa iba ni Gerald appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: