Facebook

Ayaw pakabog…Ria ‘naghahabol’ kay Joshua

Ni ARCHIE LIAO

MAY ilang malisyosa ang binibigyan ng ibang kahulugan ang pagbati ni Ria Atayde kay Joshua Garcia sa kaarawan ng aktor kamakailan.
Ito ay pagkatapos na kumalat ang larawan ni Joshua at ng vlogger na si Bella Racelis na magka-holding hands.
Makahulugan din kasi ang pagbati ng vlogger sa birthday ng Kapamilya actor.
Hirit ng ilan, ayaw daw pakabog ni Ria kay Bella kaya takaw-atensyon din ang naging mensahe nito kay Joshua na tipong naghahabol sa tinawag niyang former rumored boyfriend.
“With you, I’ve shared some of the most wonderful memories, and most of them we shouldn’t talk about out loud hahaha. Thank you for being a true friend, a great adventure buddy and a no-questions-asked. Love you Choshuwa! Happy happy birthday, my former rumored boyfriend,” mensahe ni Ria kay Joshua sa kanyang Instagram post.
Nag-react naman ang netizens sa kanyang naging mensahe na ang karamihan ay na-appreciate ang kanyang sinseridad.
Nagbigay din ng komento si Kuya Kim Atienza sa term of endearment ni Ria kay Joshua.
“So kung former rumored boyfriend, real boyfriend na now,” pang-uurot niya.
Sey naman ng iba, hindi raw dapat pang bigyan ng malisya ang relasyon ng dalawa lalo pa’t nababalitang may bagong inspirasyon na ang “Darna” actor.
Speaking of Joshua, nauwi naman sa walwalan ang kanyang birthday party na dinaluhan ng kanyang matatalik na kaibigan tulad nina Daniel Padilla, Zanjoe Marudo, Kyle Echarri, basketball player LA Tenorio, Daniel Miranda, Sofia Andres, Ria Atayde,Trina Guytingco at Kathryn Bernardo.

The post Ayaw pakabog…Ria ‘naghahabol’ kay Joshua appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ayaw pakabog…Ria ‘naghahabol’ kay Joshua Ayaw pakabog…Ria ‘naghahabol’ kay Joshua Reviewed by misfitgympal on Oktubre 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.