Ni JOVI LLOZA
NATATAWA na lang ang magkaibigang Ria Atayde at Joshua Garcia sa mga netizen na patuloy silang inili-link sa isa’t isa.
Minsan na kasing napagbintangan noon na ang closeness nila ay may malisya.
Sa pag amin ni Ria, naging malapit naman sila ng aktor nang makasama ng kanyang inang si Sylvia Sanchez sa serye.
May mga comment pa sa pagbati ni Ria sa kaibigan ng Happy Birthday.
Binati nito ang kaibigan ng “Happy birthday may rumored bf .”
Nabigyan ng kulay ang pagbati na ‘yun ni Ria ng netizens.
Kaya may isang komento na napukaw o napansin ni Ria.
Ang komento na mas bagay daw sila ni Joshua pero sadyang kaibigan lang talaga ang turingan ng dalawa.
Besides, di na rin available si Joshua dahil taken na ito ng social influencer na si Bella Racelis.
Sa komento nga ng netizen ay sinagot naman ito ni Ria na napakabata pa raw ni Joshua para maging sila.
***
NOONG September 2021 pa naging palaisipan sa netizens kung sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos na nga ba.
Wala kasing pag amin o kumpirmasyon na sila na.
Pero nakikita sa kanilang socmed na magkasama sila nang madalas.
At ito ngang latest pics ng pinaghihinalaan na magdyowa na ay tiyak daw na di na sila makatatanggi.
Magkasama sa Italy sina Lloydie at Isabel na nakaupo sa labas ng coffee shop.
Nag-level up na raw ang mga larawan na naka-post sa kanilang socmed.
Kung dati ang mga picture nina Lloydie at Isabel ay di nakikita ng close up ang aktor, lagi raw nakatalikod at malayo o kaya ay naka-cap.
Kaya naghinala ang netizens na baka nga raw sila na at di na puwede mag-deny at di puwede magsinungaling ang larawan na kanilang ipinost na magkasama.
As in, nag-level up na pero sa kabila noon ay tahimik pa rin ang kanilang kampo kung ano nga bang real score sa dalawa.
Well, well, well… ‘Yun na!
The post Lloydie at Isabel level-up na ang relasyon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: