Facebook

Ivana nabalik na ang nawalang 19M followers sa FB; Dra. Belo di pinapasok sa Chanel fashion show sa Paris

Ni GERRY OCAMPO

INVITED si Dra. Vicki Belo sa Chanel show na kasama sa Paris Fashion Week at sa kanyang Instagram ay ipinost pa niya ang invitation.
“It`s the first time I`m attending the @chanel show, I`ve heard that it`s always such a beautiful show,” say ni Dra Vicki.
Dahil dito ay na-excite ang mga kaibigan ni Doctora at may nag-request pa ng photo nila ni Jennie ng Blackpink na dumalo rin sa event. Kaya lang hindi ito nangyari dahil hindi siya naka-attend sa Chanel Fashion Show dahil late na siyang dumating.
“As usual, Filipino time, I was late by 5 minutes and they`re very strict here. Sinarado na ang door so hindi ako makakapasok, so sad naman. Ngayon lang sana ako maka-attend ng Chanel pero not meant to be. Okey lang,” pagbabahagi ni Dra. Vicki sa nangyari sa kanyang Instagram story.
Pinost pa niya kung paano niya pinaghandaan ang pagdalo sa Chanel Fashion Show. Ang naging kunsuwelo na lang ni Dra Vicki ay marami silang na-late na hindi pinapasok.
Samantala, kailangang sagutin ni Dra. Vicki ang tanong ng netizen kung bakit Gonzales ang apelyidong nakasulat sa invitation niya at hindi Kho.
Di ba kasal sila ni Hayden Kho at dapat lang na gamit niyang apelyido ay Kho at hindi Gonzales.
***
NABAWASAN na ang pangamba ni Ivana Alawii dahil naibalik na ang Facebook page niya na matatandaang inireklamo niya kamakailan na bigla raw nawala.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story na okey na ang kanyang FB page pero ang kanyang Ivana Skin page ay hindi pa raw.
“Finally!!! Naayos na ng Meta team alhough di pa rin naayos yung Ivana Skin page…Konting tiis na lang,” caption ni Ivana.
Last October 3 nang ibalita ni Ivana sa kanyang post na bigla na lang daw nawala ang kanyang FB page na may 19 million followers ganundin ang page ng kanyang negosyong Ivana Skin.
“My 19 Million Verified page disappeared with No Warning. No Violation. No report and no email. A few hours laters my business page for @ivanaskinph also disappeared, It`s not a bug…No reports. No reason. Why!?” reklamo niya.
Sa kanyang IG account ay deleted na ngayon ang kanyang reklamo.
***
Herlene naghahanap ng official interpreter
NAGHAHANAP ng magaling na translator ng Filipino to English ang manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino para maging official interpreter ni Herlene sa gaganaping Miss Planet International. Si Ms Budol ang magiging representative ng Pilipinas at siya ang napili ng Bb Pilipinas Charities.
Hindi naman itinatanggi ni Herlene na mahina siya sa English, kaya kailangan niya ng translator.
Naka-post sa Facebook nito ang, “We are looking for a professional TRANSLATOR from Filipino to English and vice versa who is willing to fly to Kampala, Uganda for the upcoming Miss Planet International this coming November. An Interpreter that can speak in front of a large audience and in front of the camera.
”Naka-post din na ang mapipili ay magiging official interpreter ni Herlene at may good compensation and all travel expenses ay sasagutin ng manager ni Ms Budol.
Ni-repost din ng manager ni Herlene na si Wilbert ang announcement na sina Rob Gomez at Benjamin Alves ang magiging leading men ni dalaga sa pagbibidahan na Magandang Dilag sa GMA 7 na ididirek ni Jorron Monroy.

The post Ivana nabalik na ang nawalang 19M followers sa FB; Dra. Belo di pinapasok sa Chanel fashion show sa Paris appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ivana nabalik na ang nawalang 19M followers sa FB; Dra. Belo di pinapasok sa Chanel fashion show sa Paris Ivana nabalik na ang nawalang 19M followers sa FB; Dra. Belo di pinapasok sa Chanel fashion show sa Paris Reviewed by misfitgympal on Oktubre 09, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.