Isinagawa ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang State of the City Address (SOCA) nitong Sabado, Oktubre 8 sa Caloocan Sports Complex, na itinampok ang mga pangunahing tagumpay ng kanyang administrasyon sa kanyang unang 100 araw sa panunungkulan.
“Maikling panahon man ang isang daang araw para sa lahat ng ating mga ipinangako at nais gawin, naging masigasig po tayo sa pagtupad ng ating tungkulin,” wika ni Mayor Malapitan.
Binigyang-diin ng local chief executive ang pagsisikap ng lungsod sa pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho bilang bahagi ng recovery program ng gobyerno sa pamamagitan ng local recruitment activities, mega job fairs at libreng training programs, na nagresulta sa mahigit 5,000 empleyadong residente at 480 training graduates sa loob ng tatlong buwan.
Kaugnay nito, ipinahayag din ng Alkalde na isinasagawa na ang konstruksyon para sa walong quick response stations na nakatuon para sa paghahanda sa sakuna at emergency.
Inihayag din niya na ipagpapatuloy ng lungsod ang paglaban sa kriminalidad at iligal na droga at nahuli na ng Caloocan City Police Station ang mahigit 1,400 suspek bilang tugon sa kanyang marching order na linisin ang listahan ng ‘most wanted’ ng lungsod.
“Isa sa mga pangarap ko para sa ating lungsod ang magiging isa tayo sa pag-aaral ng DRRM Office sa buong Pipinas. At sa Caloocan Police, salamat po sa pagtugon sa aking hamon na iharap sa akin ang mga most wanted sa ating siyudad,” pahayag ni Mayor Along.
Sa pagtugon sa digitalization na may mga online na transaksyon bilang core nito, sinabi ni Mayor Along na inilipat online ang mga proseso tulad ng pagpaparehistro at pagpapatunay ng mga tala. Nakipagtulungan din ang pamahalaang lungsod sa GCash para ipakilala ang online payment portal para sa real property at business taxes, gayundin para sa iba pang serbisyo ng gobyerno.
Binigyang-diin din ni Malapitan ang kanyang inisyatiba na bigyang kapangyarihan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), kooperatiba, mga organisasyong panlipunan at sibil, at sektor ng merkado upang palakasin ang ekonomiya ng lungsod.
Sa mga susunod na buwan, nangako si Mayor Along na mas tututukan ang mga proyektong pang-imprastraktura na kinabibilangan ng pagtatayo ng bagong Caloocan City Hall-North at Caloocan Business Center.
“Gagawin natin itong replica ng Caloocan City Hall-South para maging komportable ang ating mga kababayan at kapwa empleyado gayundin ang pagtatayo ng ating bagong Caloocan Business Center kung saan natin ilalagay ang lahat ng government agencies sa Caloocan,” wika ni Mayor Along.
Sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kalusugan ng publiko, sinabi rin ng Alkalde na plano ng gobyerno na pahusayin ang mga programa nito at magbukas ng mas maraming health center para sa mga komunidad nito pati na rin ang pagkuha ng mga bagong kagamitan para sa mga pampublikong ospital ng lungsod.
Isa sa kanyang natupad na mga pangako, kinabibilangan ng Ordinance no. 0984 na nagbibigay ng P500 cash gift sa mga senior citizen upang ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang napakahalagang papel na nakakaimpluwensya sa mga henerasyon.
“Gone are the days when platforms remain as platforms after the elections. We are here to make things happen. Alam kong makakaya nating ibigay ang serbisyong may aksyon at malasakit sa ating mga kababayan para sa lalong pag-unlad ng ating makasaysayang lungsod,” saad pa ni Mayor Malapitan.
The post First 100 days ni Mayor Along, ibinida appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: