DAAN-DAANG SENIOR CITIZEN, NAG-IIYAKAN MATAPOS ‘DI MATANGGAP ANG INAASAM NILANG APAT NA BUWANG MONTHLY ALLOWANCE
Mangiyak-ngiyak sa sama ng loob ang daan-daang senior citizen matapos umanong di matanggap ang inaasam-asam nilang apat na buwang monthly allowance kamakailan sa halos lahat ng barangay dito sa 2nd district Tondo, Manila.
Dismayado sila Lolo’tLola matapos na malaman at sabihin sa kanila ng mga kawani ng barangay na wala sa master’s list ang kanilang mga pangalan kung kaya’t wala silang mata-tanggap kahit isang kusing.
Sinabi ng mga senior citizen na all year round daw ay nakakatanggap silang kanilang allowance na ang huli ay noon lang Abril na kung saan ay nakakuha silang P2,000 para sa apat na buwan.
Pagkatapos aniya ay bigla na lang mawawala ang kanilang mga pangalan na hindi nila alam ang basehan at motibo ng kinauukulan partikular na ang opisina ng Office of the Senior Citizen Affair (OSCA) sa Manila city hall na siyang nagtatala ng mga pangalan sa masters list na kanilang pina-pasa sa mga barangay.
Mantakin mong P500 na lang kada buwan ay pinagkait pa o hinocus-pokus pa ng mga damuho na siguradong nararamdaman na natin kung sino ang mga ito.
Itong halagang ito ay napaka-halaga sa ating mga nakakatanda dahil ito marahil ang kanilang pantawid-gutom o dili kaya’y pambili nila ng medisina para sa kanilang kalusugan pagkatapos ay aangkinin pa.
Ito na ang dapit-hapon ng buhay ng ating mga senior citizen kaya’t alagaan at pag-ukulan na natin sila ng sapat na oras ika nga ay quality time.
Huwag na natin silang abusuhin, lokohin at paikutin pa dahil lahat tayo ay dito lahat papunta at harinawa’y huwag ng umabot na karmahin pa ang taong nasa likod likod ng kalokohang ito.
Biruin niyong sa hangad na makuha ang kanilang pribilehiyo’t karapatan ay hora-mismong tinungo ng mga ito ang Manila city hall upang idulog nga sa OSCA ang kanilang mga hinanaing.
Maski na nakasaklay, pilay, bulag at ang iba ay naka wheel chair pa ay tiniyaga ng mga ito ang nasabing ahensiya upang ihinga at makakuha ng paliwanag sa kanilang problema.
Nguni’t wala umanong sustansiya at parang mas masarap pa daw umebak kaysa kausap ang mga staff ng nasabing ahensiya, bakit kamo?
Isa lang daw ang sasabihin sa inyo ng mga ito, bumalik nalang anila kayo sa inyong mga barangay at pakiusapan daw ang Chairman na muling ibalik ang kanilang pangalan sa master’s list… susmaryosep eh kailan naman kaya matatapos ang prosesong ito.
Pera ang kailangan nilang makuha dahil ito ay kanilang karapatan at pribilehiyo, dating mga tumatanggap tapos ay bigla na lamang mawawala ang pangalan sa master’s list, malaking kalokohan ito, di po ba?
Ayon sa ilang eksperto hinggil sa usaping ito, imposible daw na mawala at mabawasan ang mga senior na dati ng nasa listing bagkus ay dapat pa nga itong madag-dagan, trademark na daw ang mga pangalang ito not unless na ito ay mamatay, very correct!!!!!
Alam niyo ba na malaki ang posibilidad na atakihin sa puso ang ating mga senior citizen dahil sa sobrang hinanakit at sama ng loob dahil sa mga kalokohan niyo, pag nangyariito ay siguradong hindi kayo patatahimikin ng inyong konsensiya.
At saka huwag na kayong gumawa ng isyu at away, huwag niyong sabihin ang mga chairman ang nagsusumite ng mga pangalan sa inyo at iyon ang nagiging basehan niyo…tell it to the marines…he… he… he…
Bigay na natin ang lahat sa ating mga nakakatanda, bigay ang para sa kanila pagka’t ito ay kanilang karapatan at pribilehiyo. Huwag niyo ng agawin at pag-interesan pa ang mga ito.
Ang usaping ito ay lubhang sensitibo kung kaya’t maraming mga concerned citizen ang may suhestiyon na siyasatin at imbestigahan mabuti ang departamentong ito ng OSCA na kaduda-dudang nababalutan ng hiwaga at mahika.
The post DAAN-DAANG SENIOR CITIZEN, NAG-IIYAKAN MATAPOS ‘DI MATANGGAP ANG INAASAM NILANG APAT NA BUWANG MONTHLY ALLOWANCE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: