Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go na nakatutok sa pagtulong sa pagpapabuti at pagtatayo ng mas maraming pampublikong pasilidad sa kalusugan sa pagsasabing kailangang maging laging handa ang mga Filipino sa kung ano mang pandemya pa ang posibleng dumating sa bansa.
Ginawa ni Go ang pahayag matapos niyang inspeksyunin ang itinatayong Super Health Center sa Arakan, Cotabato.
Binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapatibay sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa makaraang maging eye-opener ang pandemya para sa gobyerno na mamuhunan nang higit sa sektor ng kalusugan.
Tiniyak niya na mananatili siyang dedikado sa pagsuporta sa bagay na ito upang lubos na maserbisyohan ang mahihirap na sektor.
“Ako, aking ipinu-push dahil ang aking adbokasiya bilang committee chair on health sa Senado ay (protecting every Filipino’s) health. Dapat tayong maging handa, mas dapat tayong mamuhunan sa ating sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Hindi natin alam kung anong pandemya pa ang darating sa atin, nabigla tayo. Sa totoo lang, nagulat rin ako noong nangyari sa atin ‘yon,” ayon kay Go.
Naging instrumento si Go sa pagsusulong ng paglalaan ng sapat na pondo sa 2022 Health Facilities Enhancement Program para sa pagtatayo ng 307 Super Health Centers sa buong bansa.
Ang Super Health Center ay medium na bersyon ng polyclinic at mas malaking bersyon ng rural health unit. Mas maliit lang siya sa ospital para sa emergency cases – panganganak, mga laboratoryo, x-ray, ambulatory surgical unit, pharmacy at isolation.
“Mag-treat tayo ng mga pasyente na hindi na sila kailangang tumakbo pa sa mga capital town ng probinsya,” paliwanag ni Go.
Napakaganda aniya ng Super Health Center dahil lubos itong makatutulong kaagad sa mga kababayan nating tugunan ang kanilang emergency cases.
Bukod sa Arakan, may tatlo pang Super Health Center sa Banisilan, Libungan at Brgy. Kalaisan sa Kidapawan City.
Matapos ang Super Health Center site inspection, nagtungo ang senador sa Regional Evacuation Center kung saan siya mismo ang nanguna sa relief operation sa 500 mahihirap na residente.
Namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito sa mga kwalipikadong indibiduwal.
The post ‘DAPAT MAGING HANDA SA IBA PANG HEALTH CRISIS’ — SEN. GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: