Facebook

JUSTICE FOR PERCY LAPID

Nagimbal ang buong mundo ng mga Pinoy journalists nang tambangan at mapatay ang isa sa mga beterano at hardhitting radio commentator na si Percival Mabasa, AKA Percy Lapid.

Nagkaraoon agad ito ng “chilling effect” hindi lamang sa mga miyembro ng media kundi maging sa mga vloggers at iba pang social media users particular na duon sa mga indibidwal na aktibong nagkokomentaryo sa takbo ng sistema sa ating lipunan.

Kasabay nito ang malawakang “clamor” na pinangungunahan ng mga media practitioners na humihingi ng agarang hustisya sa pinaslang na broadcaster.

Agad namang nagtatag ng TASK FORCE LAPID ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ng NCRPO upang tugisin ang mga salarin at bigyang kalutasan ang naturang karumaldumal na krimen.

As of this writing, almost two days na ang nakararaan, nakakabinging katahimikan ang nakakapangyari sa isang opisina ng pamahalaan na responsible sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.

Ang tinutukoy po natin ay ang Presidential Task Force on the Media Security.

Di rin po natin mapagtanto kung ang tanggapang ito na noo’y aktibo sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay in existence pa nga ba?

Samu’t saring anggulo ang naglutangan kung sino nga ba talaga ang nasa likod ng pataksil na pagpatay na ito kay Ka Percy.

May ilang pangalan ang lumutang sa social media na nagtuturo kung sino nga ba ang posibleng may kagagawan nito pero lahat ay espekulasyon pa lamang.

Napakalaking hamon ang pangyayaring ito sa administrasyong Bongbong Marcos na ballot ngayon ng kontrobersiya at intriga.

Ganoon din sa pambansang kapulisan na masasabing “greatest challenge” sa liderato ni PNP chief, General Rodolfo Azurin Jr.

Hind magandang precedent ito hindi lamang sa mundo ng pamamahayag kundi sa buong sambayanang Pilipino dahil isang hudyat ito ng breakdowmn sa peace and order ng bansa.

Ang mga kaganapang ito ay masasalamin sa mga pangyayaring naganap noong kapanahunan na pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. na ama ni PBBM.

Hindi sa isinisisi natin sa kasalukuyang gobyerno ang tila pagdami ng mga daring crimes na nangyayari ngunit tila tama si Senador Roland “Bato” dela Rosa sa kanyang nagging pagpuna sa liderato ng PNP, sadya talagang malamya ang dating sa paningin ng mga masasamang-loob.

Ito rin ang saloobin at sentimiyento n gating mga kapulisan.

Hindi puwedeng ganito ang “approach” pagdating sa mga pusakal na criminal at may mga mala-demonyong pag-uugali at asal.

Kailangang maging “KAMAY NA BAKAL” ang datingan laban sa mga HALIMAW na criminal na salot ng bayan.

Noong panahon ni Apo Lakay, tinambangan din ang noo’y sikat at beteranong broadcaster si RAFAEL YABUT na kritikal sa administrasyong Marcos Sr.

Nahuli ang mga suspek sa nagging pananabang na ito at nakaligtas naman sa kamatayan si Yabut.

Isa pang Yabut ang inambus din sa panahon ni FM, ito ay si Makati Mayor Nemesio Yabut na kaalyado naman ng mga Marcos.

Nahuli rin ang mga suspek pati ang mastermind nito.

Sana’y ganoon din ang mangyari sa kaso ni Ka Percy Lapid.

Mahuli sana ang mga tunay na salarin.

Wag sanang mga “fall guys” na malalamig na bangkay ang iprisinta ng PNP ma-solved lamang kuno ang pagpatay na ito sa isang media man.

Hindi sa pinapangunahan na natin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, ang sa ating lamang ay tunay na hustisya sa pinaslang na kabaro ang nama’y makamit.

Nakaburol po ngayon ang mga labi ni Ka Percy Lapid sa Bonifacio Room ng Paz-Manila Memorial Park, Sucat, Paranaque City.

Itinakda ang labing sa ika-8 ng Oktubre 2022.

Kaisa po tayo sa libu-libong tagasubaybay ng “LAPID FIRE” na naghuhumiyaw ng hustisya para sa pinaslang na broadcaster.

JUSTICE FOR PERCY LAPID!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post JUSTICE FOR PERCY LAPID appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
JUSTICE FOR PERCY LAPID JUSTICE FOR PERCY LAPID Reviewed by misfitgympal on Oktubre 05, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.