KUNG ang pag-uusapan ay KARUWAGAN, akin nang tutukuyin ang lahat ng mga nagsasama-sama para durugin at siraan si Lorraine Marie T. Badoy.
Ganun naman siguro talaga. Parang sermon ng pari sa amin, na “ang nagsisiwalat ng KATOTOHANAN ay kadalasang hinahadlangan ng mga DUWAG.”
At ngayong tila isang ordinaryong mamamayan na lamang si BADOY, ay itinuturing na itong mahina at at kaya nang durugin dahil sa kanyang paninindigan laban sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Nagsasabi lamang naman ng KATOTOHANAN si BADOY, yun na lamang ang kanyang pinanghahawakan, matapos tulungan ang pamahalaan na tapusin ang paghahari-harian ng CPP-NPA-NDF, at tulungan ang mahihirap nating mga kababayan sa mga kanayunan na binaboy at niloko ng mga komunistang-terorista.
At ngayong wala na halos kakampi ang grupo ni Badoy na National Tasked Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa bagong lidirato, sinasamantala na ng mga DUWAG na mga CPP-NPA-NDF kasama ang kanilang mga kaalyado sa Kongreso, academe at judiciary ang sitwasyon upang lumakas uli ang pagtatangkang agawin ang pamahalaan.
At maging si Badoy ay parang pinabayaan na nga rin ng pamahalaang kanyang pinaglingkuran ng buong tapang at katapatan. Pero di siya nagrereklamo, kahit na siya ay pinagtutulung-tulungan na, – ng mga walang B@Y@G at mga DUWAG.
Tanging tangan ay KATOTOHANAN sa mga laban at may mga balakin palitan ang uri ng ating pamahalaan.
Ngunit di nag-iisa si BADOY, ako at marami pang iba ay nandiyan lamang, upang samahan si Badoy at ang pamahalaan na tuluyang sugpuin at kung maaari ay wakasan na ang CPP-NPA-NDF.
Sayang nga lamang, dahil parang kakaunti lang ang naka-intindi, bakit itinatag ni dating Pangulong Rodrigo Road Duterte (PRRD) ang NTF-ELCAC.
Isang babae lamang din pala ang katapat ng mga duwag na mga ito. Pero madami kami, yan ang tinitiyak ko sa inyo.
Laban lang, mga tunay at totoong mapagmahal sa bayan.
The post KATOTOHANAN, KARUWAGAN AT SI BADOY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: