Facebook

MAYOR ALONG, NAGHANDOG NG 43 SARI-SARI STORE PACKAGES SA MGA RESIDENTE NG CALOOCAN SA PAGDIRIWANG NG KANYANG IKA-43 NA KAARAWAN

Personal na ipinagkaloob ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang 43 sari-sari store packages sa mga residente ng Caloocan City bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-43 kaarawan.

Ayon kay Mayor Along, nais niyang tulungan ang mga nanalo na magsimula sa isang micro-business, na tumutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Sa aking ika-43 na kaarawan, hatid nati’y 43 na pangkabuhayan para sa ating mga kababayan. Ilan po sa mga nanalo’y senior citizen, PWD, solo parent at may mga karamdaman. Ang iba naman po’y lumalaban nang patas sa gitna ng krisis bilang padyak, security guard at dating tindera na nawalan ng puhunan dulot ng pandemya,” wika ni Mayor Malapitan.

“Hiling natin na makatulong itong panimula sa inyong maliit na negosyo at pantustos sa inyong pang-araw-araw na gastusin,” dagdag pa nito.

Bukod dito, nanawagan si Mayor Along sa mga nanalo na tumulong sa kapwa, sa kahit anong maliit na paraan na kanilang makakaya.

“Tulad po ng sinabi natin kanina, hiling ko lang na mapalago niyo ito at balang araw, maibalik niyo ang tulong na ito sa inyong kapwa. Ipagpatuloy ang kabaitan,” pahayag pa ni Malapitan.

Ginawa ang nasabing promosyon sa pakikipag-ugnayan sa Public Information Office, General Services Department, Public Safety and Traffic Management Department, City Engineering Department, at Office of the General Manager-North.(BR)

The post MAYOR ALONG, NAGHANDOG NG 43 SARI-SARI STORE PACKAGES SA MGA RESIDENTE NG CALOOCAN SA PAGDIRIWANG NG KANYANG IKA-43 NA KAARAWAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAYOR ALONG, NAGHANDOG NG 43 SARI-SARI STORE PACKAGES SA MGA RESIDENTE NG CALOOCAN SA PAGDIRIWANG NG KANYANG IKA-43 NA KAARAWAN MAYOR ALONG, NAGHANDOG NG 43 SARI-SARI STORE PACKAGES SA MGA RESIDENTE NG CALOOCAN SA PAGDIRIWANG NG KANYANG IKA-43 NA KAARAWAN Reviewed by misfitgympal on Oktubre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.