Facebook

Mga estudyante sa elementary school sa Cavite nababasa ‘pag umuulan

NABABASA ng ulan ang mga estudyante ng Lucsuhin Elementary School sa Cavite dahil iniwan nang hindi tapos ang paggawa sa kanilang silid aralan.

Ayon sa report, tuwing umuulan ay nakapayong sa loob ng covered court ng Lucsubin ang mga estudyante ng nasabing paaralan dahil hindi tinapos ang tatlong palapag na gusali na nagkakahalaga ng P37 milyon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mga estudyante ang nagkakasakit at hindi nakakapasok dahil sa pagkabasa ng ulan.

“Hinihintay nalang natin ang opisyal na report ng Special Technical Audit Team ng Commission on Audit tungkol sa paaralan na hindi natapos pero nabayaran ng buo. Maisasampa na natin ang kaukulang kaso sa mga taong ganid, mapagsamantala at nagpapahirap sa ating kababayan.” saad sa Facebook post ni Atty. Kevin Amutan Anarna.

“Kung may alam pa kayo na mga proyektong hindi na tinapos o katiwalian na katulad nito, makipag-ugnayan lamang po sa ating tanggapan.” dagdag pa ni Atty. Anarna.

The post Mga estudyante sa elementary school sa Cavite nababasa ‘pag umuulan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga estudyante sa elementary school sa Cavite nababasa ‘pag umuulan Mga estudyante sa elementary school sa Cavite nababasa ‘pag umuulan Reviewed by misfitgympal on Oktubre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.