Nagpapasalamat ang legal team ni Atty. Alex Lopez sa Second Division of Commission of Election sa pangunguna ni honorable Commissioner Rey E. Dulay sa paunang desisyon sa election protest na inihain nito.
“Nalulungkot kami na mabilis na napagdesisyunan ang protesta nang hindi ibinigay kay Atty. Alex Lopez ng pagkakataong magharap ng ebidensya at pagtalunan ang kanyang kaso,” pahayag ng legal team ni Lopez.
Makikinabang ang kampo ni Lopez sa nararapat na legal na remedyo na ibinibigay ng batas.
Ayon sa legal team ni Lopez, na nagtitiwala sila sa integridad at kakayahan ng COMELEC, at nananatili silang umaasa na magiging tapat ang Comission sa kanyang mandato at magpapasya sa protesta batay sa merito ng kaso.
Sinabi pa ng grupo na bukod sa protesta, nagsampa rin ng Election Offense Cases laban kay Mayor Honey Lacuna at ng buong Asenso Manilenyo slate.
Sa mga kasong ito, napatunayan natin ang mga ilegal na gawain ni Lacuna, et al na nag-ambag sa kanilang tagumpay, at ang pagsupil sa kalooban ng mga Manileño.
Ipinahayag pa ng legal team ni Lopez na tinitiyak nila sa lahat ng mga tagasuporta nito na walang humpay na hahabulin nila ang hustisya at titiyakin na maririnig ang tunay na boses ng mga Manileno.
The post Lopez tuloy ang laban vs Lacuna et al appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: