Facebook

OPISYALES NI NARTATEZ, NAGKAKAMAL!

WALANG patutunguhan ang kampanya kontra-krimen nina PNP Chief PDG Rodolfo Azurin Jr. at R4A PNP Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. kung patuloy silang “napaiikutan” ng ilan nilang mga pinagkakatiwalaang opisyales at operatiba na nakikipagkutsabahan sa mga vice operator kapalit ng milyun-milyong bribe money.

Karamihan sa mga police official at kagawad ng PNP Region 4A lalo na yaong humahawak ng sensitibong posisyon tulad ng intelligence, operation at investigation ay nagkakamal ng “grease money” kapalit ng proteksyon sa mga vice operator, ang pagbubunyag ng ating KASIKRETA.

Idenetalye ng ating police insider, na maraming dekada na ang nangyayaring kutsabahan sa pagitan ng gambling-con drug operator, intelligence officer at police operative hinggil sa pagsa-submit ng taliwas o maling report sa tanggapan ng regional director. Hanggang sa tanggapan ni PDG Azurin Jr. ay patuloy itong nagaganap.

Kapag may mga reklamong nakararating sa tanggapan ng heneral o kaya ay may naiiulat ang media na talamak na operasyon ng iligal na sugalan at iba pang krimen ay nag-aatas ang tanggapan ng RD4A na magkaroon ng validation para maberipika ang iniuulat na sumbong.

Sa puntong ito pumapasok ang pagkakaperahan ng intelligence officer at ng kanilang mga field operative, sa pamamagitan ng paggawa ng kasinungalingang report.

Ito ay ang pagpapalitaw na “NEGATIVE” o non-existence ang napapaulat na operasyon ng iligal na sugalan katulad na lamang ng talamak na saklaan ngayon sa mga bayan ng Tanza at Indang. May dalawang buwan nang nag-ooperate sa halos lahat na barangay ng nabanggit na mga munisipalidad sa Cavite ang perwisyong mga saklaan. Ganito rin ang kanilang pinalilitaw sa mga nagkalat na perya-sugalan sa rehiyon at siyempre pa, kapalit nito malakihan at lingguhang hatag.

Kaya mistulang inutil naman si Cavite OIC Provincial Director P/Col. Christopher Olazo sa lantarang pasakla sa kanyang hurisdiksyon nina Erik Turok, Governor’s Squad (Minong Kupal, Totoy Tiyanak, Elwin at Hero) at Tagoy na iniuulat na close-in security ni Col. Olazo. Ilang ulit nating tinangkang kunin ang panig ni Col. Olazo hinggil kay Tagoy ngunit di ito makontak sa kanyang cellular phone.

Kinumpirma naman ng anti-crime at vice crusader na may 100 sakla den na inooperate ng grupo nina Eric Turok at Tagoy ay matatagpuan sa mga bayan ng Tanza at Indang. Ang ilan sa mga sakla joints ay nasa Poblacion, Borland Sanja Mayor, Daang Amaya 1, Daang Amaya 2, Julugan VI, Julugan VII, Julugan VIII, pawang sa bayan ng Tanza at mga lantad na lugar sa bayan ng Indang.

.Ipinakikita naman sa intelligence report kuno na ipinarating sa opisina ni Gen. Nartatez Jr. na NEGATIVE din ang hinggil sa malaon nang inerereklamong malawakang operasyon ng STL-con jueteng sa Tanauan City, Batangas, iba pang panig ng nasabing probinsya at mga lalawigan ng CALABARZON.

NEGATIVE ang report ng intelligence office sa kabila ng katotohanang lantaran ang operasyon ng STL-con jueteng o bookies nina Ocampo, Cristy, Ablao at ng mahigit pa sa 30 gambling con drug operator sa Tanauan City..

Bukod sa NEGATIVE ang kanilang report kay Gen. Nartatez Jr. hinggil sa talamak na operasyon ng jueteng doon, ay NEGATIVE din ang napaulat pang Php 5 milyon na payola sa Tanauan City government official ng mga gambling operator na pinamumunuan ng isang Ocampo at maging ang Php 5 milyon din na protection money ng mga ito para naman sa ilang hereral at kernel ng PNP.

Bukod sa jueteng ay naghambalang din sa mga pangunahing kalsada ng siyudad ng Tanauan ang mga puesto pijo o permanenteng pasugal na color games, ngunit dedma lamang ito kay Tanauan City Police Chief, P/LtCol. Karlos Lanuza.

Sa kabila ng kumpirmadong ulat ng civic-spirited group, ay puro NEGATIVE ang existence maging ang malaganap na operasyon ng STL-con jueteng at mga perya-sugalan sa Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon.

May mga paihian naman sa Lipa City at bayan ng Lemery sa Batangas,Brgy. Makiling, Calamba City ng isang Ador at ibat-ibang lugar sa Quezon, ngunit pawang NEGATIVE ang nakakarating na mga pinagtahi-tahing kasinungalingang report ng intelligence unit ng R4A sa opisina ni Gen. Nartatez Jr.

Pagkat intensyong talagang mailigaw sa katotohanan si Gen. Nartatetz Jr. ng ilan nitong pili at pinagkakatiwalaang opisyales at operatiba, kaya’t malaki ang posibilidad na naililigaw din si PNP Chief Junaz Azurin Jr. sa tunay na nangyayari sa hurisdiksyon ng CALABARZON area.

Kasunod ng validation ng intelligence unit ay nagpapadala ng reaction team ang PNP R4A para magsagawa ng raid sa mga kuta ng gambling den – dito na naman pumapasok ang suhulan, pagkat bago magsagawa ng anti-gambling operation ang reaction at field operating team ng R4A ay may eskalawag namang pinatitimbre sa napipintong pagsalida ng mga operatiba.

Kaya’t NEGATIVE din ang ang resulta ng mga anti-gambling drive sa mga perya-sugalan tulad ng nasa Brgy. Pinagtong-olan ni Agnes at Utoy, at Calamias nina Venice, Nikki Bakla at iba pang tulad nito sa ibat-ibang panig ng Batangas at mga lalawigan sa rehiyon.

Sa harap ng umiiral na kalakaran, paano pa nga ba masusupil ng pulisya sa ilalim ni Gen. Nartatez Jr. ang mga iligal na akitbidad sa CALABARZON area? In fairness, hindi kinukunsinte ng heneral. ang mga gawaing ito, umiiral pa nga ang “No Take Policy” nito sa kapulisan, kaya lamang ay likas at sagad na yata sa buto ang kabulukan ng maraming opisyales at tauhan ng PNP R4A? Kaya kailangan na rin ni Gen. Nartates Jr. na gumamit ng “kamay na bakal” laban sa marami nitong tiwaling pulis.

Kung ating pagbabasehan ay ang sorry state ngayon ng bansa, na ang kailigalan at krimen ay kaliwa’t kanan at ang maraming sangkot ay mga kagawad pa ng Pambansang Kapulisan, ang suhestiyon pa natin ay makabubuting magkaroon ng malawakang pagbalasa sa hanay ng intelligence community ng PNP at operation units sa R4A office at limang provincial police offices sa CALABARZON. ABANGAN…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com

The post OPISYALES NI NARTATEZ, NAGKAKAMAL! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
OPISYALES NI NARTATEZ, NAGKAKAMAL! OPISYALES NI NARTATEZ, NAGKAKAMAL! Reviewed by misfitgympal on Oktubre 31, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.