Maraming COOPERATIVES at ORGANIZATIONS sa ating bansa na nagtutulungan hindi lamang para sa kanilang mga kasamahan kundi maging sa hindi nila kasapi.., pero may natatangi na dapat MANAHIN o gayahin ang mga ito dahil sa sinserong sistema ng PAMANA TRANSPORT SERVICE AND MULTI-PURPOSE COOPERATIVE sa lalawigan ng LAGUNA.
Ang naturang kooperatiba ay may pusong-makatao na ipinaiiral ang “pagtulong sa mga kasapi subalit hindi gagamitin para pagkakitaan ang mga kasamahan.”
Sa pahayag ni PAMANA CHAIRPERSON JEANNIE VILLANUEVA sa mga mamamahayag na dumalo sa kanilang inilunaad na GENERAL ASSEMBLY na dinaluhan ng mga kasapi mula sa mga lalawigan ng BATANGAS at RIZAL.., ang kanilang kooperatiba ay nagsimula lamang bilang CONSUMER COOPERATIVE noong 2016 na ang kooperatiba ay binubuo ng mga mangingisda.
Nitong panahon ng PANDEMIC, ang kooperatiba ay rumekta sa pagbili ng mga bigas sa RICE SUPPLIER na ibinebenta naman nila sa kanilang mga miyembro sa murang halaga kumpara sa presyo sa mga tindahan.., subalit paglipas ng mga taon ay napag-aralan ng mga ito na ang presyo ng mga RICE DEALER ay masyado pa ring mahal na halos 4x na ang patong ng presyo.., kaya, sa pangunguna ng mga PAMANA OFFICERS ay rumekta na sa pakikipagtransaksiyon sa FARMERS.
“Yun pong sinasabi ni President Bongbong Marcos na ang bigas ay dapat P24.00 lamang ay maaari pong mangyari at puwedeng maging P20.00 per kilo ang halaga ng bigas dahil rerekta na mismo sa mga magsasaka,” pahayag ni MS. VILLANUEVA na aniya, kung tutuusin ay hindi na kakailanganin pang mag-angkat ng bigas sa ibang bansa para magkaroon ng murang bigas.., dahil ang nagpapamahal sa presyo ng bigas sa ating bansa ay epekto ng mga TRADER na kung ilang salin ng mga nangungumisyon bago mahantong sa mga tindahan.
Kaya naman ngayong taon ay inilunsad ng PAMANA COOPERATIVE ang “2022 MAGSASAKA RICE”.., na mismong ang PAMANA ang nakikipagtransaksiyon rekta sa FARMERS para mababa lamang ang presyo ng kanilang magiging panindang bigas.
Bukod sa bigas ay isinasagawa na rin ng PAMANA ang rektang pakikipagtransaksiyon sa VEGETABLE FARMERS upang sa murang halaga na lamang ng presyo ng mga gulay ang magiging benta sa kanilang mga kasapi.
Ang naturang kooperatiba ay hindi na lamang sa CONSUMER COOPERATIVE nagkonsentra dahil nitong 2018 ay pinasimulan na rin nila ang TRANSPORT COOPERATIVE.., kaya naman, sa kanilang naging GENERAL ASSEMBLY ay naging GUEST HONOR si DEPARTMENT OF TRANSPORTATION SECRETARY JAIME BAUTISTA na nagbigay ng katiyakang aasistehan nito ang programa ng PAMANA TRANSPORT COOPERATIVE sa parang mapabilis ang proseso ng mga requirement hanggang sa pag-utang ng FUNDS sa mga banko sa ating bansa para sa TRANSPORT MODERNIZATIONS.
Inihayag din ni TRANSPORT SEC. BAUTISTA na ang mga TRANSPORT OPERATOR at DRIVERS na maaapektuhan ng MODERNIZATION PROGRAM ay tutulungan din ang mga ito na mapagkalooban ng pagpapanibagong pangkabuhayan tulad sa pagsasagawa ng SEMINARS/TRAININGS o ONHAND TRAININGS hanggang sa pagkakaloob ng mga ipampupuhunan.., WOW na WOW at sana ay magkaroon ng katuparan at hindi pangako lang tulad ng karamihan sa POLITICIANS na matapos ang kampanyahan at nahalal ay wala na rin ang mga ipinangako sa consituents!
Kaya naman, ang mga COOPERATIVE tulad ng PAMANA ay magandang sandalan ng mamamayan o ng.mga kasapi sa kanilang samahan.., na dapat ay MANAHIN ito ng iba pang mga ORGANIZATION o COOPERATIVE para sa sinserong pag-asiste upang magkaroon ng progress ang lahat.., dahil may mga samahan na ang nagsisiyaman lang ay ang kanilang mga opisyales.
Ang ARYA ay SUMASALUDO sa ganitong pamamaraan ng kooperatiba na ang iba pang mga opisyales ng PAMANA TRANSPORT SERVICE AND MULTI-PURPOSE COOPERATIVE ay sina
ATTY. GENERAL D. DU, Vice Chairman;
ELMER REQUIMAN, Treasurer; DANNY CERO, CPA Auditor; EVANGELINE QUIAZON, CPA Accountant; NELSON L. JAUG, Cooperative Secretary; GENER ELCA, General Manager; at ang mga BOARD MEMBER ay sina ANTONIA B. VALLEJO, PEDRO M. MANALO at
FERDINAND GUTIERREZ,
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post PAMANA COOPERATIVE DAPAT MANAHIN NG MGA ORGANISASYON! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: