Facebook

SINO NGA BA ANG TINUTUKOY NA BABAENG AHAS SA MALACANANG?

Hindi pa umaabot ng kanyang ika-100 araw sa poder si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ngunit hindi birong krisis na ang kinakaharap nito bilang lider ng bansa.

Samut-saring kontrobersiya na ang kinasangkutan ng kanyang mga itinalagang opisyales sa kabila nang kauupo pa lamang ng mga ito sa gobyerno.

May sabit na agad kahit hindi pa nga nakukumpirma ng Commission On Appointments ang mga “appointees” ni PBBM.

Nauna pa ang indulto kesa sa “confirmation”.

Sa mga Marcoses, tanging si Senadora Imee Marcos lamang ang vocal sa pagsasabing “napakaraming ahas” ngayon ang nakapaligid sa kanyang nakababatang kapatid na si Bongbong Marcos.

Mga “nagdudunung-dunungan”, pagdidiin pa ni Sen. Imee.

Tahimik pa rin si former First Lady Imelda Romualdez Marcos na itinuturing patriarch ng pamilya, ganoon din si Irene Marcos Araneta, ang anak na si Congressman Sandro Marcos at iba pang kapatid nito sa kinakaharap na isyu ng amang si BBM.

Kataka-taka ito dahil kilala ang pamilya sa pagiging “closely knitted clan” na nagsusuportahan at nagdadamayan sa lahat ng oras at pagkakataon.

Alam natin ang pinagdaanang hirap at sakripisyo ng pamilya at ang nilampasan nitong pagsubok sa mahabang panahon.

Napakasakit na kung kailan nakabalik na ang pamilya sa kanilang kinaroroonan where they truly belong ay ganito ang kahahantungan.

Kilala rin natin ang mga Marcoses sa kanilang pagmamahal sa mga Pilipino at ang kanilang hindi matatawarang malasakit at pagmamahal sa bayan at mamamayan.

Ngunit “reading between the lines” sa mga birada ng mismong presidential sister at senadora na si Manang Imee nga, tila napakabigat na tao sa buhay ng Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang tinutukoy na “BABAENG AHAS” sa palasyo.

Ang BABAENG AHAS na ito ay may kapangyarihang kayang iwasiwas “at her discretion any time and any day”.

May pulutong din ito ng mga kampon na nagsasabog ng lagim,kalituhan at kaguluhan sa mismong administrasyong PBBM.

Hindi natin kayang direktang banggitin ang pangalan ng babaeng ito dahil na rin sa mataas na respeto natin kay Pangulong Bongbong Marcos at sa pamilyang Marcos.

Aantayin na lamang natin na mismong mga Marcoses na rin ang magsiwalat nito sa publiko.

Nag-uumpisa nang guluhin at dunggulin ng oposisiyon at ng mga komunista ang batang-batang gobyerno ni PBBM at batid ito ng “intelligence community” na on top of the situation.

Ang paggamit ng maka-komunistang grupo sa pagkakapaslang sa hardhitting broadcaster na si Ka Percy Lapid at isang hakbang sa layon ng destabilisasyon ng maka-kaliwang grupo.

Ang maganda lamang sa mga kaganapang ito, “gising na ang mga mamamayan” sa bulok na istilong ito ng mga kalaban ng estado.

Ang nakakaasar nga lamang, may ilang mga namamaho at bulok na mambabatas sa Kamara at sa Senado ang nakalusot at mga taga-supuorta ng mga komunistang ito.

Ngunit iilan lamang ito sa hanay ng matitino nating mga mambabatas.

Naaamoy naman ng taongbayan ang kanilang malansang amoy.

Going back kung sino nga ba ang BABAENG AHAS na pinagpi-piyestahan ngayon sa mainstream at social media, ito raw ang itinuturong personalidad na nagpapakilos sa mga katulad nina alyas TURING at mga kasamahan nito sa pagbira sa mga mismong appointees ni PBBM.

Totoong may matinding “power struggle” sa inner circle ng administasyong Marcos, and the earlier the President resolves the issue, the better.

Dahil sa paglipas ng mga araw, quoting Sen. Imee Marcos tirades, dumadami ang mga makamandag na ahas sa loob mismo ng Malacanang.

May kasunod…

ABANGAN

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post SINO NGA BA ANG TINUTUKOY NA BABAENG AHAS SA MALACANANG? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SINO NGA BA ANG TINUTUKOY NA BABAENG AHAS SA MALACANANG? SINO NGA BA ANG TINUTUKOY NA BABAENG AHAS SA MALACANANG? Reviewed by misfitgympal on Oktubre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.