Facebook

Itatayong SHC sa Glan, Sarangani pinasinayaan… BONG GO: HEALTHCARE SERVICE PATULOY NA ILAPIT SA TAO

Masugid na tagapagtaguyod ng pagtatatag ng mas maraming pampublikong pasilidad sa kalusugan na nagbibigay ng dekalidad ngunit abot-kayang pangangalagang pangkalusugan sa mas maraming Pilipino sa buong bansa, personal na pinangunahan si Senador Christopher “Bong” Go ang groundbreaking ng Super Health Center sa Glan, Sarangani noong Miyerkules.

Sa kanyang pahayag, muling iginiit ni Go, pinuno ng Senate committee on health and demography, na nananatili siyang dedikado sa paglikha at pagsusulong ng mga programa na nakatuon sa pagpapabuti ng paghahatid ng healthcare services sa bansa, lalo na sa mga kanayunan.

“Malaki talaga ang lugar ninyo dito sa Sarangani, malaki ang inyong rehiyon. Kulang talaga ang ating ospital sa ngayon. So (sa tulong ng Super Health Center), hindi na natin kailangan pang bumiyahe sa siyudad. Sabi ko, hihintayin pa (ba) natin ang pasyente na maisalba (sa malalaking ospital)? Ang importante, kung kaya na ng treatment sa Super Health Center, magagamot agad sila,” ang sabi ni Go matapos ang groundbreaking.

Naging instrumento si Go sa paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng 307 Super Health Centers sa buong bansa ngayong taon na estratehikong matatagpuan sa mga rural na lugar upang matiyak na ang mga pinakamahihirap na sektor ay magkaroon ng access sa mga serbisyong medikal.

Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Go, ang nakaraang administrasyon ay naglaan ng pondo sa ilalim ng 2022 Health Facilities Enhancement Program para sa paunang 307 Super Health Centers. Bilang vice chair ng Senate committee on finance, nangako siyang itutulak ang karagdagan pang pondo sa 2023 budget ng DOH para sa mas marami pang itatayong SHC sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang nasabing center ay mag-aalok ng database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit. Ang iba pa ay serbisyo sa mata, tainga, ilong, at lalamunan (EENT); mga sentro ng oncology; physical therapy, rehabilitation center at telemedicine.

“Itong Super Health Center ay mas malaki lang nang kaunti sa Rural Health Unit (pero) mas maliit sa ospital. Ito ay isang katamtamang bersyon ng isang polyclinic o pinahusay na bersyon ng Rural Health Unit. Alam n’yo, mahirap ang malalayong lugar gaya ng Glan. Kailangan pang bumiyahe sa General Santos City, kailangan pang bumiyahe sa mga provincial hospital. Ngayon mayroon na kayong ospital dito,” ang nagagalak na sabi ni Go.

Ang DOH ang mag-implementa ng Super Health Center at marami pang ilalagay ngayong taon para makatulong sa mas maraming Pilipino.

“Hindi natin alam kung kailan pa darating ang mga pandemya sa buhay natin. The more we should invest in our healthcare system,” udyok niya.

Sinabi ni Department of Health officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kumpiyansa siyang malaki ang maitutulong ng mga center na mabawasan ang rate ng occupancy sa mga ospital.

Anang opisyal, ang Super Health Centers ay may mga kagamitan na makikita sa malalaking ospital. Sinisimulan na aniya ang SHC kung saan maaaring gawin dito ang mga pangunahing pagsusuri na kadalasang kailangang isagawa sa mga ospital nang hindi nangangailangan ng mga tao na pumunta sa may mataas na level ng pasilidad.

Bukod sa Glan, tiniyak din ni Sen. Go ang pagtatayo ng isa pang Super Health Center sa Lomuyon, Kiamba sa Sarangani.

Samantala, patuloy na hinihmok ni Go ang mga nangangailangan ng medikal na atensyon na humingi rin ng serbisyo sa Malasakit Center na matatagpuan sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City upang matulungan sila sa mga gastusin.

“Ang Malasakit Center, one stop shop, ay batas na aking isinulong. Nasa loob na ng mga ospital ang apat na ahensya ng gobyerno – ang PhilHealth, PCSO, DOH, DSWD. Hindi na kailangan na lumabas pa (ng ospital) para humingi ng tulong,” paliwanag ni Go.

The post Itatayong SHC sa Glan, Sarangani pinasinayaan… BONG GO: HEALTHCARE SERVICE PATULOY NA ILAPIT SA TAO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Itatayong SHC sa Glan, Sarangani pinasinayaan… BONG GO: HEALTHCARE SERVICE PATULOY NA ILAPIT SA TAO Itatayong SHC sa Glan, Sarangani pinasinayaan… BONG GO: HEALTHCARE SERVICE PATULOY NA ILAPIT SA TAO Reviewed by misfitgympal on Oktubre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.