MAGANDA na sana ang itinatakbo ng police career, bagamat isa pa lamang officer-in charge ng Cavite PNP Provincial Police Office si Col. Christopher F. Olazo, kung hindi lamang ito ng napapasukan ng mga taong balakid at nagsisillbing tinik sa kanyang landas.
Higit na nakararami sa kanyang mga kababayang Caviteño, ay bumibilib na sa tubong bayan ng Silang na si Col. Olazo, sa unang sulyap ng mga taga-Cavite ay isang mesiyas at hulog na talaga ng langit ang matikas na police colonel, tugon anila ito sa kanilang matagal nang suliranin sa peace in order situation sa lalawigan ng Cavite.
Ang akala din ng mga Cavite based anti-crime at vice crusaders ay alam ng PNPA graduate na kernel kung papaano nito lulutasin ang malubhang problema sa kriminalidad na lalo pang pinalalala ng iligal na sugal na siyang front ng bentahan ng droga, tulad ng shabu sa naturang lalawigan.
Talaga namang kaayon ang pagkakataon sa pag-arangkada ni Col. Olazo sa halos ay may dalawang buwan na nitong panunungkulan bilang pinakamataas na pinuno ng kapulisan ng may pitong siyudad at 18 na munisipalidad na lalawigan.
Karakang ipinakita ng dating hepe ng Quezon City Police Mobile District na hindi uubra ang kumpa-kumpare o kamakamag-anak nang iutos nitong ipasara ang mga dinatnan nitong gambling dens partikular na ang dati ay sangkaterbang saklaan sa ibat-ibang lugar sa Cavite.
Halos lahat na operator ng drug/gambling den ay nagsihinto din ng kanilang iligal na hanapbuhay.
“Ngunit kung ang halos lahat ay tumalima sa utos na “zero gambling” ni Col. Olazo, idagdag pa ang “No Take Policy ni Region 4A Director, PBG Jose Melencio Nartatez Jr. ay ibahin nyo si alias ERIK TUROK, hari-hari ito at astig sa Cavite kaya pakiramdam ay di siya pwedeng kantiin ng pulisya, tahasang ipinakikita nito na di rin siya kayang rendahan nina Gen. Nartatez Jr. at Col. Olazo,” anang mga Cavite based anti –crime at vice crusader sa kanilang mga mensahe sa SIKRETA.
Maraming miyembro ng Cavite PNP lalo na yaong mga nakatalaga sa mga bayan ng Tanza at Indang ang may mga di magandang karanasan kay alias ERIK TUROK ang kinikilalang “Sakla King” ng lalawigan at ng kanyang dakilang alalay na si Hero.
Nagpapakilalang isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakabase sa lalawigan ng Cavite si alias ERIK TUROK, kaya armado ito ng pistola at matataas na kalibreng baril sa pag-iikot sa kanyang mga sakla den.
May pasakla ito sa halos lahat na matataong barangay ng bayan ng Tanza, maging sa Daang Amaya 1 sa tapat ng Goldilocks Bake shop at tapat ng SeaOil Gasoline Station sa Daan Amaya 2, gayundin sa mga komunidad ng Indang kung saan ito ay nakapaglagay ng di na mabilang sa dami ng sakla joint sa may karamihan sa 36 na barangay, kaya di naiiwasang magkaroon ng iringan sa pagitan ni alias ERIK TUROK at lokal na kapulisan.
Hindi natin maintidihan kung sadyang takot, naduduwag o kaya naman ay umiiwas lamang sa karahasan, ang mga pulis na ng Tanza at Indang kaya nagpapaubaya na lamang lalo’t alam ng mga ito na maimpluwensya si alias ERIK TUROK.
Maniniwala nga namang bagyo si alias ERIK TUROK sa Cavite, pagkat balitang alyado ito ni Cavite Governor Junvic Remulla at kasosyo pa nito ang ilang alalay ng gobenador sa pagpapatakbo ng mga sakla den sa mga bayan ng Tanza at Indang.
Ngunit sa totoo lang ay hindi naman nakikita si alias ERIK TUROK sa opisina ng Cavite –NBI pero ang ipinagtataka ng mga taga-Tanza at Indang ay kung papaanong napaniniwala ni ERIK TUROK sina Tanza Municipal Police Chief, LtCol. Gerry Laylo at Indang Police Chief Maj. Ernesto Caparas Jr. na isa nga itong lehitimong ahente ng NBI.
Ang pagiging NBI agent din ang ipinangangalandakan ni alias ERIK TUROK sa mga miyembro ng Cavite Provincial Police Office kung kaya’t parang ligal na ligal nga ang pagpapasakla nito sa Tanza at Indang.
Ngunit sa pagkakaalam ng inyong lingkod ay hindi basta kayang matakot ni alias ERIK TUROK si Col. Olazo kung ang pagigiging isang NBI agent lamang ang ginamit nitong agimat para malayang makapag-operate ng saklaan sa dalawang kinikilalang premyadong bayan ng Cavite, tulad nga ng Silang at Indang.
Liban na lamang kung meron ngang libu-libo pang dahilan kung bakit napakalakas ng loob ng salot na ito na magpasakla saan mang lugar na naisin nito sa mga nabanggit na munisipalida? Meron nga ba sir?
Ang paniniwala pa ay di kayang dagain ang dibdib ni Col. Olazo ng isa lamang alias ERIK TUROK lalo pa nga’t kilala itong disciplinarian at batak sa karanasang police chief bago nito pinamunuan ang Cavite PNPO.
Sa katunayan, naging police chief din si Col. OLazo sa Bacoor City at bayan ng Alfonso, parehong sa Cavite at siyudad ng Tanauan, Batangas bago ito napisil ni PNP Region 4A Director PBG Jose Melencio Nartatez Jr. na pamunuan ang Cavite PNPO.
Kung isa lamang alias ERIK TUROK ang “magsisilbing tinik sa kanyang lalamunan” at sisira sa imahe ni Col. Olazo ay tila makabubuti yatang magbalot-balot na si kernel para bigyang daan naman ang isang opisyal na may tapang at determinasyon na paluhurin sa kanyang paanan ang notoryus na “Sakla King” na isa ding hinihinalang drug pusher! Abangan…
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.
The post ALYAS ERIK TUROK TINIK KAY COL. OLAZO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: