Patay ang 29 anyos na construction worker nang uminom ng isang bote ng alak sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental, Lunes ng gabi.
Ayon sa pulisya, pumayag ang biktima sa hamon ng kaniyang kaibigan na ubusin ang isang malaking bote ng alak sa loob lamang ng 20 segundo kapalit ang premyong P20,000.
Naubos umano ng biktima ang alak pero pagkalipas ng ilang oras isinugod ito sa ospital at doon binawian ng buhay.
Dagdag ng pulisya, mayroon nang sakit sa puso ang biktima.
Ayon naman sa pinsan ng biktima, kumasa sa tinatawag na ‘laklak challenge’ para may pampa-check up sa kaniyang ama at makaipon para sa kasal nito ngayong Disyembre.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.
The post Lalaki kumasa sa ‘laklak challenge’ kapalit ng P20k, patay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: