Facebook

Bong Go: Tulungan ang MSMEs, lokal na ekonomiya

Bumisita si Senator Christopher “Bong” Go sa lalawigan ng Misamis Oriental at personal na nagpaabot ng tulong sa mga maliliit na may-ari ng negosyo mula sa El Salvador City at mula sa mga bayan ng Opol, Gitagum, Libertad, Initao, Naawan, Manticao, Lugait, Laguindingan, Tagoloan, Jasaan at Claveria.

Sa kanyang talumpati sa pagbisita, hinimok ni Go ang mga kapwa Pilipino na tangkilikin ang mga lokal na negosyo na aniya’y napakahalaga ng papel sa pagpapasigla ng mga komunidad at ekonomiya ng bansa.

“Maituturing na backbone ng ating ekonomiya ang mga micro, small and medium enterprises. Masisipag at madiskarte sa buhay ang mga Pilipino. Kung mabibigyan lang sila ng tamang tulong at training, hindi malayo na mas lalago pa ang mga negosyo nila,” ani Go.

“Sana talakayin ng mga ahensya ng gobyerno ito. Tulungan po natin ang mga MSMEs natin na buhayin ang kanilang mga negosyo dahil sila rin ang bubuhay sa ating ekonomiya, lalo na ngayon na nasa gitna tayo ng krisis dulot ng COVID-19,” dagdag niya.

Sa pagsisimula ng 19th Congress, naghain ang senador ng panukalang batas na nag-institusyonal sa programang “One Town, One Product” (OTOP) ng Department of Trade and Industry upang makatulong na mapalakas ang recovery at isulong ang innovation sa mga MSMEs.

Ang iminungkahing panukala ay dapat tumulong sa pagpapalakas sa mga MSME sa pagbuo ng mga makabagong produkto at serbisyo sa pamamagitan ng makabuluhang pagpapabuti sa mga kalidad, pagbuo ng produkto, disenyo, packaging, pagsunod sa mga pamantayan, kakayahang mabenta, kakayahan sa produksyon, pagbuo ng tatak, pagpapanatili, pag-secure ng lisensya, pagpaparehistro ng produkto at iba pang awtorisasyon sa merkado, bukod sa iba pa.

Nakatulong din ang senador sa pagpapatupad ng Small Business Wage Subsidy program kahit sa kasagsagan ng pandemya. Ang programa ay nagbigay ng mga karapat-dapat na ayuda sa mga manggagawa na hindi makapagtrabaho o mabayaran sa panahon ng enhanced community quarantine na may dalawang bahagi ng tulong pinansyal.

Samantala, namahagi naman si Go at ang kanyang outreach team ng mga pagkain, grocery packs, masks, vitamins, at shirts sa 301 benepisyaryo na natipon sa Tagoloan Dome. Nagbigay rin ang grupo ng bisikleta, cellular phone, sapatos, relo, at bola para sa basketball at volleyball sa mga kabataan.

“Ang adbokasiya ko po ay health and sports. Bilang inyong chair ng parehas na Senate Committees (on health and demography at on sports), ineengganyo ko po ang lahat na alagaan ang inyong kalusugan… maglaro na lamang ng basketball, volleyball o kahit na anumang sports — Get into sports, stay away from drugs ,” hikayat ni Go.

Bukod dito, ang mga tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development ay nagpaabot ng livelihood assistance grants sa mga kwalipikadong indibidwal.

“Maraming salamat po sa DSWD para sa programa nilang SLP-LAG. Dalhin niyo po agad ang mga kikitain niyo mula sa programang ito sa inyong mga pamilya. Mas masarap po kung pinaghirapan at pinagpawisan ninyo ang inyong kinita,” anang mambabatas.

Samantala, upang matiyak na ang mga may problema sa kalusugan ay makakukuha ng medikal na atensyon, pinayuhan sila ng senador na humingi ng serbisyo sa Malasakit Centers sa Northern Mindanao Medical Center at JR Borja General Hospital, kapwa sa Cagayan de Oro City.

The post Bong Go: Tulungan ang MSMEs, lokal na ekonomiya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Tulungan ang MSMEs, lokal na ekonomiya Bong Go: Tulungan ang MSMEs, lokal na ekonomiya Reviewed by misfitgympal on Oktubre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.