Facebook

975 indigent students, binigyan ng ayudang pinansyal – Mayor Honey

MAY 975 na kabilang sa mahihirap na estudyante ang binigyan ng ayudang pinansyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila bilang tulong sa kanilang mga gastusing pang-edukasyon.

Sinamahan si Mayor Honey Lacuna nina Vice Mayor Yul Servo at Manila Department of Social Welfare chief Re Fugoso sa distribusyon ng P5,000 sa bawat isang recipients kaugnay na rin ng educational assistance program ng lugsod na ginawa sa Dakota Covered Court sa Malate, Manila.

Sinabi ng alkalde sa kanyang maiksing mensahe, na binigyan ng educational cash aid ang mga mahihirap na estudyante ng lungsod upang makatulong sa araw-araw na gastusin, lalo na sa nalalapit na face-to-face classes.

“Alam ko hindi ito sapat pero kahit papaano ay mayroon kayong mabubunot para mabawasan kahit paano anginyong mga gastusin,” sabi ng lady mayor.

Ang mga tumanggap ng cash allowance ay mula sa mga Districts 1, 2, 4, 5 at Baseco. Tiniyak naman ni Lacuna na matatanggap din ng natitirang distrito ang educational cash allowance sa lalong madaling panahon.

“So, ang bilin ko, mag-aral po kayong mabuti. ‘Wag nag-aantay ng announcement na ‘no classes’ dahil may kaunting ulan. Tutal mahigit three years na kayong di napasok,” sabi ng alkalde sa mga estudyanteng naroroon sa okasyon.

Sa mga magulang naman na naroroon sa okasyon ay nanawagan si Lacuna na gamitin ang munting tulong para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

“Sa mga magulang, sana, ang kaunting tulong ay magamit naman po ninyo sa pag-aaral ng inyong mga anak. Gamitin natin sa wastong paraan.. ito po ay aming pagpapakita at pagpaparamdam na mahal na mahal po naming ang bawat batang Maynilang mag-aaral,” sabi ni Lacuna.

Ayon kay Fugoso, umabot sa kabuuang P4.5 million ang naipamigay sa mga indigent children na naka-enroll sa mga public schools sa parehong elementary at high school at children in need of special protection (CNSP).

“The said assistance is meant to augment family expenses for school needs such as “baon,” uniform, school supplies and shoes and materials for school projects, among others,” dagdag ni Fugoso. (ANDI GARCIA)

The post 975 indigent students, binigyan ng ayudang pinansyal – Mayor Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
975 indigent students, binigyan ng ayudang pinansyal – Mayor Honey 975 indigent students, binigyan ng ayudang pinansyal – Mayor Honey Reviewed by misfitgympal on Oktubre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.