Facebook

Suporta at tulong sa TODO Para-Triathlon Team

KILALA si coach Vince Garcia sa triathlon community hindi lang bilang isang mahigpit na katunggali kundi bilang ‘Godfather’ sa mga para triathletes na kinabibilangan nina National players Al Fernandez at Calib Sim Jr. gayundin sina Godfrey Taberna, Raul Angoluan at Jake Lacaba — ang pinakabata ngunit ang pinaka-agresibo sa grupo.

Ang 22-anyos na tubong Tacloban City ay isinilang na walang kaliwang binti at nagtataglay ng bingot, ngunit walang makakapigil sa kanya na makipagtunggali sa sumabak sa hamon mula nang mapabilang sa TODO Para-triathlon Team noong nakaraang taon lamang.

Naalala ni Garcia ang isa sa mga unang pakikipag-usap niya kay Lacaba na nagpatotoo sa determinasyon nito na makasali sa koponan. Matapos sumang-ayon para sa isang pulong, sinabi ni Garcia na inaasahan niyang sasakay sa bus si Lacaba paluwas ng Maynila ngunit sa halip ay nag-bike ang binata ng humigit-kumulang 130 kilometro para lamang personal na magpakilala.

“Nang hilingin ko sa kanya na pumunta sa Acropolis para ma-assess ko siya, nagulat ako na nag-bike siya mula Tarlac hanggang Quezon City kaagad,” sabi ni Garcia.

Si Lacaba ay sumabak sa kanyang unang kompetisyon – ang Mt. Mayon Triathlon Championship — na tinaguriang pinakamapanghamong kompetisyon sa bans ana ginanap nitong Agosto 14 sa Albay Province.

Kasama ang manlalangoy na si Manuel Lobrigo Jr. at ang runner na si Al Fernandez, sumabak si Lacaba sa bisikleta para maselyuhan ng TODO ang ikatlong puwesto na may tyempong tatlong oras, 36 minuto, at 29 segundo.

Puno ng determinasyon, opisyal na naging triathlete si Lacaba nang sumabak siya sa kanyang unang indibidwal na karera sa katatapos na New Clark City Triathlon sa Capas, Tarlac.

Sina Lacaba at Michael Bayani, isang teammate na may permanenteng bali sa kaliwang bukung-bukong, ay lumaban sa individual short distance category sa 500m swim, 25K bike, at 6K run course at pumuwesto sa podium bilang first runner-up sa kanyang kategorya.

Samantala, ang trio ni Sim (swimming with one leg also), Taberna (biking with a right clubbed-foot), at Angoluan (running without both arms) ay nakumpleto ang long-distance relay category sa 900m swim, 50K bike, at 12K tumakbo ng kurso sa parehong karera. Nakakabilib, lahat sila ay nagtapos ng podium na may pinakamataas na karangalan para sa kanilang mga kategorya.

Habang naghahanda sila para sa malalaking karera, sina Coach Vince, ang “para-boys”, at The Pedal Trap – ang bike shop na pag-aari niya — ay nangunguna sa pagsisikap na malapangalap ng pondo sa pagbebenta ng eScooters para sa para-triathlon team.

Tulad ng The Pedal Trap kung saan ang lahat ng netong kita ng bike shop ay napupunta sa mga gastos sa pagsasanay at karera ng mga Paraboy, ang kikitain sa pagbebenta ng mga eScooter ay pakikinabangan ng koponan ng para-triathlon para sa kanilang pagsasanay, uniporme, bisikleta, at iba pang kagamitan sa karera. .

“Expenses for sending the para-boys to races entails airfare when needed, land transportation, hotel bookings, registration if not free, and food before, during, and after races.” “And to fund our efforts, we are seeking assistance in raising funds by selling good quality eScooters. Message us if you’re open to helping us,” pahayag ni Garcia.

Mula sa orihinal na presyong P35,000, mabibili ang bagong eScooter sa mababang halagang P25,000 na may kasamang 1-year warranty.

Sa mga interesadong indibidwal at grupo, maaring magpatala para sa test drive sa Pedal Trap na may mobile no. 09178866341. Malaking pasasalamat din ng TODO Paratriathlon Team ang anumang donasyon o tulong na maibabahagi sa grupo.

The post Suporta at tulong sa TODO Para-Triathlon Team appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suporta at tulong sa TODO Para-Triathlon Team Suporta at tulong sa TODO Para-Triathlon Team Reviewed by misfitgympal on Oktubre 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.