DUMATING kamakailan ang ilang opisyal ng mga German firm na involved sa recycling at waste management para humanap ng makakatambal na mga kumpanyang Pinoy, bilang bahagi ng 2022 German-Philippine Business Conference na ginawa sa Dusit Thani Manila.
Sabi ng mga ito, malaki ang potensiyal ng Pinas kung ang pag-uusapan ay basura at pagrerecycle at pamamahala nito.
Bakit? Kasi raw, ang ating bansa ay pangatlo sa mga bansa ng Southeast Asia, na nagpoproduce ng solid waste, at pinaka-malaking bansa na ‘plastic emitters’ sa buong mundo, dahil mayroon 60-bilyong mga plastic bags na ginagamit dito kada taon.
Eh di wow! Sa kanila nga raw pag-aaral, mayroong 16.6 million tons ng solid waste ang naitala natin noong 2020. At pagdating ng 2030, madadagdagan ng tinatayang limang kilogram ng solid waste per capita, kada taon.
Kaya nga daw ang mga German companies na 2G Energy AG, BOMAG GmbH, CUTMETALL plus Carbide Germany GmbH, EUWELLE Environmental Technology GmbH at Vecoplan AG, ay iisa sa pagsasabi na ang pagsasala ng mga basura o waste reduction, na gamit ang reformed waste recycling at pollution control ay mahalagang bahagi para makatulong sa Pinas patungo sa sustainable economy.
Ikinatutuwa rin ito mismo ng Executive Director ng German-Philippines Chamber of Commerce and Industry na si Christopher Zimmer, dahil sa ginugol na panahon ng mga opisyal ng mga German companies para lamang nagpunta rito at ibahagi ang kanilang mga kaalaman sa mga maari pa nilang maging ka-partner, kung paano magiging pera pa ang mga basura.
Sa aking palagay magbibigay pa ito ng malaking rin puwang para tumibay ang ‘bilateral business relations’ sa pagitan ng Pilipinas at ng Germany.
Sa nakalap kong pahayag ni
Philippine Alliance for Recycling and Material Sustainability founding president at commissioner na si Crispiano Lao, 44,610 tonelada lang naman ng basura ang ating nalilikha sa araw-araw.
Malaking bagay ito kung magagawa pa nating pera muli ang gabundok na basura natin sa araw-araw. Yun ngang mismong ‘nangangalakal’ sa ating mga komunidad lamang, ay naitatawid na ang pangangailangan sa pagbabasura, eh paano pa kaya kung may katambal na tayong mga bihasa sa recycling at waste management?
The post MAS MALAKING PERA SA BASURA NANDITO NA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: