PINURI hindi lamang ng kanyang mga kababayan, kundi maging ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at anti-crime and vice crusaders si Sonny Collantes matapos ipasara ang talamak na operasyon ng STL- con jueteng sa kanyang syudad.
Ang tinutukoy natin ay ang dating Batangas 3rd District Congressman Sonny Collantes ng Tanauan City, na nagwaging alkalde ng nasabing lungsod at ginapi ang kilalang pamilya ng mga Halili noong nakaraang May 9, election.
Sa unang araw pa lamang ng kanyang pamumuno Hulyo 1, 2022, una rin niyang iniutos sa Tanauan City PNP ay ipasara ang STL bookies na dekada na ang operasyon sa lungsod ng Tanauan. Minamantine ito ng mahigit pa sa 30 illegal gambling operator, karamihan ay barangay leader.
Sila ay sina alias OCAMPO ng Brgy. Bagbag at mga kapwa nito salot na sina Ramirez ng Brgy. Balele,alias Kon. Burgos, Melchor Taba, Ablao, alias Mayor Benir, Lito at Kon.Perez, at Kap Ambo ng Brgy Darasa at Brgy. Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda. Si alias Terio ay operator din ng paihi at pasingaw sa Brgy. Bañadero, Tanauan City.
Ang iba pang gambling/ drug pusher sa naturang siyudad ay sina Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy.Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat, at ang mga babaing “durugista” na sina alias Cristy sa Brgy. Suplang, alias Ms. Donna, Ms Anabel at Ms Lilian na may rebisahan ng taya ng jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche. Si Ms. Donna ay may lungga din sa Brgy. Sambat.
Dahil sa aksyong ito ni Mayor Collantes, siya’y naging instant celebrity sa kanyang mga kababayan na buwisit na buwisit sa hindi mahinto-hintong STL bookies na matagal nilang inereklamo sa mga naging mayor kabilang na ang mga Halili, pero hindi sila pinakinggan.
Hulog ng langit, anila si Mayor Collantes dahil ang salot sa kanilang buhay na STL-con jueteng ay nagpahirap sa maraming residente na nalulong hindi lamang sa sugal kundi maging sa droga. Anila, ang sugal at droga ay parehong pinapatakbo ng mga barangay leader at mga “barako” sa lungsod.
Dahil napahinto ang nasabing sugal, pati sina PCSO Chairman Junie Chua at General Manager Mel Robles at maging ang CALABARZON based anti-crime at vice crusader ay bumilib kay Mayor Collantes.
Pero kung noon ay pinupuri si Mayor, ngayon ay pinagdududahan ang kanyang liderato matapos muling magbukas ang operasyon ng STL-con jueteng sa kanyang lungsod noong Agosto 18.
Kasunod ng muling pagratsada ng naturang sugal ay umugong ang balitang may isang mataas na opisyal ng Tanauan City Government ang tumanggap na ng Ph 5 milyong goodwill na payola, suhol, padulas, tongpats o intelhencia.
Kalat din ang ulat na isang nagngangalang OCAMPO na kilalang gambling at drug lord na nag-ooperate ng STL-con jueteng sa Brgy. Bagbag ng naturang siyudad at maging sa mga kanugnog na komunidad ang lumakad para sa muling pagbabalik ng naunsiyaming STL bookies operation.
Isa sa naging usapan sa pagitan grupo ni OCAMPO at top Tanauan City official ay ang weekly Php 5 milyon na kailangang ibigay ng mga STL bookies operator at maging sa tanggapan ng pulisyang lokal hanggang sa PNP Region 4A at Camp Crame na natutupad naman mula noong muling magsimula hanggang sa kasalukuyang pamamayagpag ng naturang iligal na sugal.
Dati ay Php 2 milyon lamang ang pinaghahati-hatian ng mga gambling/ drug operator na buwanang panghatag sa nakaraang Tanauan City government official bilang protection money.
Palaisipan ngayon sa mga residente kung sino ang bolero at buwaya pang top city hall official na tumanggap na ng paunang Php 5 milyon at Php 5 milyon din kada buwan sa looban ng tatlong taon. Papartehin naman ang pagbibigay ng payola sa Php 1.250 bawat linggo.
Sa ganang atin, hindi dapat tumatahimik si Mayor Collantes at magsawalang kibo na lamang sa harap ng alingasngas ng nasabing payola at lumalalang peace in order situation sa kanyang lungsod bunsod ng bawal na sugal lalong-lalo na ang STL-con juteng at drug pushing na inooperate ng grupo nina OCAMPO.
Sa bayan ng Nasugbu si alias Willy Bokbok, si Timmy naman sa mga munispalidad ng San Pascual at Mabini ang nagpapa-jueteng. Katulad din ni OCAMPO, si Timmy alias Charlie ay bagyo sa kanilang mga protektor na police at government official, katunayan ay umaabot din ang kanyang gambling at drug empire hanggang sa mga lungsod ng San Pablo, Cabuyao, San Pedro, Binan at Sta Rosa at bayan ng Liliw, pawang sa lalawigan naman ng Laguna. Sya rin ang nagpapanggap na intelhencia kolektor ng opisina ni CIDG Acting Director, PBGen. Ronald O. Lee sa mga kapwa nito gambling at drug lord sa Laguna.
Bilang AMA ng lungsod ng Tanauan, malaking kasiraan, batik sa pangalan at administrasyon ni Mayor COLLANTES habang naglalaro sa isipan ng publiko kung sinong masiba at gahaman sa salapi na opisyal ng kanyang pamahalaan ang may weekly payola sa STL bookie operators
Tiyak na ang isyung ito ay magsisilbing alas o kaya’y tila multong babangon at mananakot kay Mayor Collantes pagdating ng May 2025 election?
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.
The post “STOP JUETENG” ORDER NI MAYOR COLLANTES “NINGAS-COGON”! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: