Facebook

PBBM, First Lady Liza mag-ingat sa pambandang fixer

NAKIKITAAN ng mga puna ngayon sa social media si Pangulong “Bongbong” Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos dahil sa tila aninong laging nakabuntot sa mga pinagpipitagang mga lider ang isang media practitioner na may bansag na “pambansang” fixer sa industriya.

Si pambansang fixer na tawagin na lamang nating si “JayC” ay panay umano ang pakita sa tanggapan ng First Lady upang makapanggulo lamang sa administrasyon at hindi makapag-trabaho ang mga gustong magsilbi sa taumbayan dahil sa ambisyon nIyang maging Deputy EXECUTIVE SECRETARY at sa kagustuhan niyang maiupo ang kanyang amo sa Palasyo.

Madaling makilala ang pambansang fixer na ito dahil siya ang may pinakamaraming advertising proposal na ipinapasok sa kampo ni BBM noong panahon ng kampanya, ngunit pawang ibinasura dahil mababa ang readership ng pahayagang kinabibilangan nito bukod sa milyon-milyong piso kung maningil.

Kaya naman nabansagang pambansang fixer ang hitad ay sa kadahilanang ipinagyayabang nito na marami siyang kakilalang judge at piskal sa hudikatura na ang iba’y siya pa umano mismo ang nagpa-appoint.

Iniyayabang din ng pambansang fixer na siya ang may hawak sa mga reporter sa justice beat at kaya niyang pumatay o maglabas ng istorya sa ibang mga pahayagan kung gugustuhin niya at kung maaareglo siya sa malaking halaga.

Bukod sa pagiging pambansang fixer ay kilala din siyang reporter-for-hire dahil malaki ito maningil kung ibig ng kliyente na maisulat niya ang material at mailimbag ito sa dyaryong pinagtatrabahuhan niya.

Si JayC ay may close adviser na chiching na nagngangalang “Gee”. Esep esep…

***

Nagulo ang tanggapan ng PCSO sa dami ng nanalo, 433, sa draw ng Grand 6/55 na may jackpot na P236,091,188.40 nitong Sabado.

Dahil sa ingay ng netizens na nagkaroon daw ng “leak” sa winning numbers (09-45-36-27-18-54) ay biglang nagpa-press conference ang PCSO. Ipinaliwanag nilang walang “hukos-pokus” sa winning numbers. Nagkataon lang daw na marami ang tumaya sa naturang tiket.

Ang kasalukuyang hepe ng PCSO ay ang top donor ni BBM na si Mel A. Robles na nagbigay daw ng P30 million cash campaign fund!

Si Robles ay dating administrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA) during Arroyo administration. Ang partido ni Arroyo ay sumuporta sa kandidatura ni BBM.

Kaya naman nabigla ang mga mananaya ng lotto sa dami ng winners ay dahil dati’y isa hanggang dalawa lang ang nananalo.

Maging ang bar topnotcer na si Senador Koko Pimentel ay duda sa dami ng winners ng naturang lotto draw.

Kayo, mga pare’t mare, anong pakiramdam nyo sa nangyaring draw ng Grand 6/55 noong Sabado? May kalokohan ba o sinuwerte lang ang 433 winners?

***

Isusulong ni Comelec Chairman George Garcia na ma-criminalize ang mga kandidato na ang tanging lakad ay manggulo. Ito ‘yung bang tumatakbo na kapangalan ng isang winnable candidate.

Okey ang naisip na ito ni Garcia. Pero mas maigi kung isulong n’ya rin na bawal kumandidato ang isang opisyal kung may kaso ito ng korapsyon na umakyat na ng Sandiganbayan. Ang kandidato ay dapat ‘di tainted ng katiwalian.

Tama ba ako, mga pare’t mare?

The post PBBM, First Lady Liza mag-ingat sa pambandang fixer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PBBM, First Lady Liza mag-ingat sa pambandang fixer PBBM, First Lady Liza mag-ingat sa pambandang fixer Reviewed by misfitgympal on Oktubre 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.