Facebook

BONG GO: PAGPAPALIBAN NG B/SK POLLS NASA KAMAY NA NI PBBM

Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na ang pagpapaliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay nasa kamay na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng ratipikasyon ng bicameral conference committee ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Pumasa na po ito sa bicam conference sa Senado. Na-ratify na po namin ito,” ani Go sa isang ambush interview matapos magbigay ng tulong sa mga mahihirap na estudyante sa Surigao City sa Surigao del Norte.

Kung lalagdaan ni PBBM, sinabi ni Go na ang halalan ay gaganapin sa huling Lunes ng Oktubre 2023 at isasagawa tuwing tatlong taon pagkatapos nito.

“Sana, kapag napirmahan na ito ng ating Pangulong Marcos ay magiging batas na ito. Matutuloy po ang postponement, magiging last Monday of October 2023 (ang bagong elections). And then (every) three years na naman po ang election,” ani Go.

Ang pagpapaliban na niratipikahan noong Setyembre 28 ay isinasaalang-alang sa ilang kadahilanan.

Kabilang dito ang: (1) isang precedence ng pagdaraos ng halalan sa Oktubre; (2) ang petsa ay karaniwang tumutugma sa pahinga sa paaralan, na nagpapahintulot sa mga kabataang botante na lumahok; at (3) data mula sa isang posisyong papel ng Commission on Elections na nagmumungkahi na magiging mas epektibo ang gastos para sa gobyerno kung ang halalan ay isasagawa sa nasabing petsa.

Co-authored at co-sponsored si Go ng Senate bill na nagtatakda para sa pagpapaliban ng halalan. Sa kanyang co-sponsorship speech, ipinunto niya na ang mga opisyal sa barangay at SK ay nangangailangan ng sapat na panahon upang ituloy at maisakatuparan ang mga planong kanilang itinatag para sa kani-kanilang nasasakupan.

“Sila ang araw-araw na humaharap sa ating mga kababayan at nagsisiguro ng kaayusan sa mga barangay. They are the primary planning and implementing unit of government policies, programs and projects in the community. Naintindihan ko po ang trabaho nila dahil sila po ang kaharap ko araw-araw noon, mga suki po yan, at mga kasamahan natin sa serbisyo,” sabi ni Go.

“Bigyan natin sila ng mas sapat na panahon para ipatupad ang kanilang mga proyekto na maaaring naantala dahil sa pandemya noong nakaraang dalawang taon,” dagdag niya.

Nauna nang isinampa ni Go ang Senate Bill No. 197, na magtatakda ng Magna Carta para sa mga Barangay.

Nanindigan si Go na ang mga opisyal ng barangay ay dapat makakuha ng maihahambing na benepisyo na ibinibigay sa ibang empleyado ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap na pagsilbihan ang kanilang mga nasasakupan.

Naghain din ang senador ng SBN 427 na nag-uutos sa pagbibigay ng allowance at incentives sa barangay health workers. Isang buwanang allowance na P3,000 ang ibibigay sa lahat ng barangay health workers. Magkakaroon din sila ng karapatan sa seguridad ng panunungkulan at iba pang benepisyo at pribilehiyo.

Muling iginiit ni Go na ang mga tauhan ng barangay ay may mabigat na responsibilidad na tumulong sa pag-unlad sa kanilang lokalidad kaya dapat silang bigyan ng kompensasyon na maihahambing sa suweldo ng mga regular na empleyado ng gobyerno.

“Tulad ng ibang kawani ng gobyerno, dapat ay ma-recognize at mabigyang importansiya ang kanilang papel sa ating komunidad,” ani Go. ###

The post BONG GO: PAGPAPALIBAN NG B/SK POLLS NASA KAMAY NA NI PBBM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BONG GO: PAGPAPALIBAN NG B/SK POLLS NASA KAMAY NA NI PBBM BONG GO: PAGPAPALIBAN NG B/SK POLLS NASA KAMAY NA NI PBBM Reviewed by misfitgympal on Oktubre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.