Facebook

TEVES WIN TINABLA NG COMELEC

Tila tinabla ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkakapanalo ni Governor Pryde Henry Teves ng Negros Oriental makaraang maglabas ng kautusan ang En Banc na nag-uutos kay Teves na bumaba sa kanyang puwesto.

Sa ulat na ating nakalap ay gumawa ng hakbang Commission on Elections (Comelec) en banc upang ipawalang-bisa ang pagkapanalo ni Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves noong Mayo 9.

Ito, matapos pagtibayin ng poll body ang resolusyon ng ikalawang dibisyon nito na nagdeklara kay Grego Degamo bilang isang nuisance candidate sa 2022 gubernatorial race ng lalawigan.

Sa kawalan ng temporary restraining order o injunctive writ na inilabas ng Korte Suprema, naglabas ang Comelec ng Certificate of Finality and Entry of Judgment noong Martes na nag-uutos sa Special Provincial Board of Canvassers (SPBOC) ng Negros Oriental na ipawalang-bisa ang proklamasyon ni Teves at credit ang mga boto na nakuha ni Grego pabor kay Roel Degamo.

Ipinaliwanag ng Comelec en banc na bigo si Grego na magbigay ng patunay na siya ay lehitimong kilala bilang “Ruel Degamo” nang piliin niyang gamitin ang kanyang sinasabing apelyido na “Degamo” at “biglang napili” na gamitin ang “Ruel” bilang kanyang palayaw na ay tiyak na makalilito sa kanya kasama ang Petitioner na ang pangalan ay “Roel Ragay Degamo.”

Inataasan na ang SPBOC na magpulong sa Lunes,(KAHAPON) Oktubre 3, sa Comelec session hall sa Maynila upang amyendahan o itama ang certificate of canvass of votes at proclamation para sa provincial governor, amyendahan ang statement of votes ng presinto at iproklama ang kandidatong nakakuha nang pinakamataas na bilang ng mga boto batay sa binagong pahayag ng mga boto ng presinto bilang duly elected governor ng Negros Oriental.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves, sinabi nito na hindi makatarungan ang inilabas na Certificate of Finality and Entry of Judgment ng Comelec na nag-utos sa Special Provincial Board of Canvassers (SPBOC) sa Negros Oriental na ipawalang-bisa ang kanyang proklamasyon at parangalan ang mga boto na nakuha ni Grego pabor kay Roel Degamo.

Sabi ni Teves, na hindi ito dumaan sa due process at walang protesta na dumating sa kanyang opisina kaya naman hindi makatwiran na agad siyang sentensiyahan na pababain sa kanyang tungkulin.

Sa botohan 3-2, bumoto ang Comelec en banc na tanggihan ang mosyon ng reconsideration ni respondent Grego, matapos pagbigyan ng Second Division noong Disyembre 16, 2021 ang petisyon ni dating Gobernador Roel Degamo na ideklarang nuisance candidate si Grego at kanselahin ang kanyang certificate of candidacy.

Ginamit ni Grego ang pangalang “Ruel” sa kanyang gubernatorial bid.

Lalo lamang gumulo ang sitwasyon sa nasabing probinsiya makaraang ang bagong development na ito at knowing the Teveses, alam naman natin na hindi basta-basta bababa sa poder ang mga ito base na rin sa reputasyon ng pamilya sa Negros politics.

Kilala ang mga Teves bilang isang political scion sa nasabing lugar.

Susubaybayan natin kung masusunod nga ang kautusang ito ng Comelec at makakaupo na nga ba sa Kapitolyo ang idineklarang nanalo na si Governor Roel Degamo.

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post TEVES WIN TINABLA NG COMELEC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TEVES WIN TINABLA NG COMELEC TEVES WIN TINABLA NG COMELEC Reviewed by misfitgympal on Oktubre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.