Facebook

Grade 10 student tulak na ng droga

BAGSAK sa kulungan sa na sa eskwelahan ang isang Grade 10 student nang mahuli ng mga pulis na nagbebenta ng ilegal na droga sa Novaliches, Quezon City.

Batay sa paunang ulat mula kay PLT Rommel Baylon ng Novaliches police, edad 18 ang binatilyo na kilala sa alyas “Boss”. Kasama nitong naaresto ang 21 anyos na lalaki na dati na rin nakulong dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Gamit ang P1,000 marked money, nakipagtransaksyon ang mga operatiba sa dalawang suspek, 2:30 ng madaling araw nitong Lunes.

Nasamsam sa dalawang ang mga 7 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P840,000.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong susepk.

The post Grade 10 student tulak na ng droga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grade 10 student tulak na ng droga Grade 10 student tulak na ng droga Reviewed by misfitgympal on Oktubre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.