Facebook

Broadkaster patay sa ambush sa Las Piñas

Patay ang isang batikang komentarista nang pagbabarilin sa Sta Cecilia gate ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Percival Mabasa aka ‘Percy Lapid’, radio commentator ng DWBL, at residente ng BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City.

Sa ulat, dalawang beses binaril si Mabasa ng riding-in-tandem sa gate ng Sta Cecilia, BF Resort, Las Piñas habang lulan ng kanyang sasakyan na kulay itim na Toyota Innova, may plate number na NGS8294.

Ayon sa report, naisugod pa si Mabasa sa pinakamalapit na ospital, subali’t idineklarang dead on arrival ng tuminging doktor.

Sa ngayon, tinitignan pa ang go pro o dash cam sa harap at likod ng sasakyan ni Mabasa para matukoy ang mga salarin.

Habang isinusulat ang balitang ito patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na insidente.

The post Broadkaster patay sa ambush sa Las Piñas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Broadkaster patay sa ambush sa Las Piñas Broadkaster patay sa ambush sa Las Piñas Reviewed by misfitgympal on Oktubre 03, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.