Facebook

2 patay, 4 sugatan sa sumalpok ng van at truck

NASAWI ang driver at isang pasahero, habang apat sa miyembro ng pamilya ang nasugatan nang sumalpok ang sinasakyang L-300 Van sa isang truck Linggo ng umaga sa national highway sa Barangay Tulo, Taal, Batangas.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elmer Malabanan, 46 anyos, driver ng van; at Abelina Malabanan, 68; nagtamo naman ng mga sugat sa ulo at katawan sina Marcelo Malabanan, 71; Eldrey Malabanan, 18; Eldirose Malabanan, 40; at isang 7 taon gulang na batang lalake.

Kinilala naman ang driver ng truck na si Renato Atienza, nasa hustong gulang at residente ng Taal.

Ayon sa mga imbestigador ng Taal Municipal Police Station, nasa gitna ng kalsada ang truck na minamaneho ni Atienza at naghihintay ng pagkakataon na makamaniobra pakaliwa nang salpukin ng L300 van ng mga biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang unahang bahagi ng van na nakuhanan ng CCTV.

Naisugod ng mga kawani ng MDRRMO ng Lemery na rumesponde sa aksidente ang mga sugatang biktima sa Batangas Provincial Hospital subali’t idineklarang dead on arrival sina Elmer at Abelina,

habang nasa kustodiya ngayon ng Taal PNP ang driver ng truck na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Homecide, Multiple Physical Injuries and Damage to Properties. (KOI LAURA)

The post 2 patay, 4 sugatan sa sumalpok ng van at truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay, 4 sugatan sa sumalpok ng van at truck 2 patay, 4 sugatan sa sumalpok ng van at truck Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.