Facebook

Ex-Sen. De Lima nagpositibo sa Covid-19

INANUNSYO ni dating Senador Leila de Lima na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay De Lima, parehong nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang antigen at RT-PCR tests.

Sinabi ng detenidong senadora na nagsimula siyang makaranas ng mga sintomas ng COVID-19 pagkatapos ng pagdinig sa isa sa mga kaso ng droga laban sa kanya.

“When attending recent hearings in the 2 remaining trumped-up charges, with practically jampacked courtrooms, I felt it was just a matter of time before contracting the virus,” ani De Lima sa isang pahayag.

“So it is that last Saturday, Nov. 5, or a day after the hearing in one of the cases, I started having colds (running nose), mild cough, itchy throat and joint/body aches short of feverish, which prompted the tests,” sabi pa niya.

Si De Lima ay kasalukuyang nasa self-isolation at umiinom ng mga iniresetang gamot.

“Now in self-isolation (nothing new for me) in my isolated detention quarters. Taking anti-viral meds as prescribed by my doctors. Resting, reading a novel, praying,” banggit pa ng dating senadora.

Hiniling din niya sa kanyang mga tauhan na abisuhan ang kanyang mga naging close contact sa pagdinig noong Nobyembre 4 na mag-self-monitor.

Kabilang dito ang dating star witness ng prosecution na si Rafael Ragos, na saglit niyang nakausap nang humingi ng tawad ang huli.

“I hope no one else got infected under such a setting. I’ll be fine. Salamat sa lahat ng panalangin at pag-aalala,” dagag pa niya. (Mylene Alfonso)

The post Ex-Sen. De Lima nagpositibo sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-Sen. De Lima nagpositibo sa Covid-19 Ex-Sen. De Lima nagpositibo sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.