Welcome para kay Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Arnel Ignacio ang ginawang pakikipagdayalogo ng mga recruitment agencies o mga miyembro at opisyal ng Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc. (SWARM) sa mga OFWS advocates.
Bilang suporta sa isinusulong ng SWARM dumalo sa naturang event si Ignacio kung saan ipinahayag niya sa harap ng mga recruiters agencies at mga OFWs advocates ang kahalagahan ng mga OFWs sa ating bansa at sa kontribusyon nila sa ekonomiya.
Sa panayam sinabi ni Ignacio na welcome statement ang mungkahi ng ilang OFWs advocates at ng SWARM na tutulong sila sa pangangalaga sa ating mga OFWs partkular na sa Saudi Arabia kung saan tatlong lugar lamang sa naturang bansa ang may Polo offices.
Ayon kay Ignacio maganda ang hakbangin na ito basta tama ang procedures na kanilang susundin na base sa ipinatutupad na batas sa Saudi Arabia
Inihalimbawa pa ng opisyal ang mahigpit na pagpapatupad ng cybercrime law sa naturang bansa na hindi maaring basta basta na lamang mag post sa social media ang OFWs at mga OFWs advocates na maaring kasuhan at arestuhin na mas lalo lamang aniya na magpapalala sa problema. (CESAR MORALES)
The post PAKIKIPAG-DAYALOGO NG RECRUITMENT AGENCIES SA OFWs ADVOCATES WELCOME KAY OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: