ANG Cavite ay isa sa pinaka-maunlad na lalawigan, hindi lamang sa panig ng Region 4A, kundi sa buong bansa dahil sa pagdagsa ng iba’t-ibang uri ng malalaking negosyo na nagbigay ng karagdagang buwis – hindi milyones kundi bilyones para sa kaban ng provincial government.
Ika nga ng mga Caviteño, gone are the days na ang lalawigan ay tampulan ng mga negatibong report dahil sa kawalan ng trabaho ng mga residente na nauuwi sa masamang gawain para mabuhay lamang ang mga pamilya, pero nagbago ang ihip ng hangin sa kanilang buhay nang maging AMA ng Cavite si Gov. Junvic Remulla.
Dahil sa magaling na pamamahala ng gobernador, dumami ang negosyo sa lugar na ito ng rehiyon kaya nagkaroon ng pagkakitaan ang mga Caviteño at ang insidente ng kriminalidad ay unti-unting bumaba dahil sa maayos at ‘di matatawarang paglilingkod ni Gov. Remulla.
Mula nang umupo bilang top provincial executive si Remulla, ang problema sa droga ay unti-unting nasosolusyonan, ganon din ay nakontrol ang pagdami ng iba’- ibang klase na kailigalan tulad ng illegal gambling at operasyon ng paihi o patulo na ayon sa pag-aaral ng awtoridad, kasama ang kapulisan ay dahilan ng kaguluhan kaya tumataas ang krimen sa isang lugar.
Pero sa pagdating ni P/Col. Christopher F. Olazo bilang provincial director ng Cavite, ang maganda, maayos at di matatawarang pamunuan ni Gov. Remulla ay tila nanganganib na maputikan at masira dahil sa kalokohan mg isang nangangalang ‘ Santiago alyas Tagoy, isang ex-Manila policeman na nagsisiga-sigaan at naghaharian na animo’y kanya ang Cavite.
Pag-upo ni Col olazo bilang OIC-Cavite PD ay biglang parang singaw ding sumulpot si Santiago/Tagoy na bukod sa dating miyembro ng Manila Police District ay naging operatiba din ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kanyang pinagsilbihan, hindi bilang alagad ng batas kundi alagad ni satanas dahil sa mga katarantaduhang pinaggagawa na taliwas sa gawain ng isang tunay at totoong pulis.
Itong si Santiago/Tagoy, ayon sa Camp Crame sources ng SIKRETA ay naging tong collector din sa mga illegal vices ng kanyang naging superiors o amo sa MPD at CIDG hanggang sumulpot sa Cavite nang si Col Olazo ay matalagang PD ng ilang buwan na ang nakaraan, kung saan naghahasik na naman si Santiago/Tagoy ng lagim sa pamamagitan ng kanyang tong activities.
Ayon pa sa ating Crame insider, si Santiago/Tagoy ang reponsable sa pagsulputan ng mga saklaan sa lalawigan, partikular ang mga bayan ng Tanza at Indang na parang kabute ang sakla tables, lantarang nag-ooperate sa mga kalsada at sulok sulok na animo’y legal na pinapatakbo ng nga ganbling lords na binigyan ni Santiago/Tagoy ng karapatang magpasugal.
Prente ni Santiago/Tagoy ang kasosyo nitong si Erik Turok at ilang alyado ni Gov. Remulla na nakapaglatag na din ng mga iligal na pasugalan sa Bicol Region.
Napalawak na ni Santiago/Tagoy ang kanilang sakla operation hanggang sa Munisipalidad ng General Mariano Alvarez (GMA). Gamit na poste sa saklaan ang isang tahiran at beteranang magpapasakla na si Aileen. Halos mag-iisang linggo nang gabi-gabing nag-ooperate ng sakla dens si Aileen sa mga matataong lugar sa GMA.
Kasabay ng kanyang pagbibigay ng go-signal sa mga gambling operators ay ipinanghihingi naman nito ang tila walang kamalay-malay na si Col Olazo ng lingguhang tongpats na umaabot ng milyong halaga sa mga vice operators para hindi hulihin ng mga pulis ang mga vice dens at maging smooth ang kanilang operation.
At ang pinakamatinding ginagawa ni Santiago/ Tagoy ay ginagamit din ang malinis na pangalan ni Gov Junvic Remulla at matakot ang mga GLs para makapangikil at lumaki ang perang makukuha para sa kanyang bulsa at kapakanan.
Ayon pa sa insider ng SIKRETA sa Camp Crame at R4A headquarters sa Camp Vicente Lim sa lalawigan ng Laguna, ay sirang sira na pala imahe ni Gov. Remulla dahil sa katarantaduhang ginagawa ni Santiago /Tagoy.
Sa ganang atin, kung di kayang disiplinahin ni Col Olazo itong si Santiago/Tagoy na kung umasta ay daig pa ang isang aktibong opisyal ng PNP at nagpapakilala pang tauhan niya (Col. Olazo), subestiyon natin kay Gov. Remulla ay kumilos ito, pahuli niya si Santiago/Tagoy na ayon pa sa Crame sources natin ay isang payola expert at drug czar din na manggagamit ng pangalan para makapangotong hindi lamang sa mga vice operators kundi sa illegal drugs.
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com
The post GOV. JUNVIC REMULLA VS “TAGOY’, ANG PAYOLA EXPERT & DRUG CZAR NG CAVITE! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: