Facebook

HD spikers, vs Gazz Angels sa PVL Finale

NAIKASA ng HD Spikers at Petro Gazz ang paghaharap sa finals ng PVL Reinforced Conference.

Natalo ang Cignal sa defending champion Petro Gazz, 14-25, 21-25, 27-25, 19-25, sa huling araw ng semifinal round Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa pagtatapos ng se­mis, parehong may 2-1 rekord ang HD Spikers at Gazz Angels.

Dahil mas mataas ang quotient points ng Cignal at Petro Gazz, nakuha ng dalawa ang karapatang umusad sa finals.

Pinamunuan ni American reinforcement Lindsey Vander Weide ang opensiba ng Gazz Angels sa kinamadang 30 puntos.

“Cignal is a good team and it’s a good momentum going into the finals,” Wika ni Vander Weide.

Mainit ang Gazz Angels sa attack line nang magtala ito ng 60 hits laban sa 44 kills ng HD Spikers.

Halimaw din sa net ang Petro Gazz na kumana ng 13 blocks kumpara sa apat ng Cignal.

Umiskor naman ng pinagsamang 23 puntos sina MJ Phillips at Aizo Maizo-Pontillas.

Nanguna sa hanay ng HD Spikers si American import Tai Bierria na may 15 points habang nagdagdag naman ng walong puntos si Riri Meneses at tig-pito sina Ces Molina at Roselyn Doria.

Magtutous sa best-of-three championship series ang Cignal at Petro Gazz na magsisimula Huwebes habang maghaharap ang Creamline at Chery Tiggo sa battle for third.

The post HD spikers, vs Gazz Angels sa PVL Finale appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HD spikers, vs Gazz Angels sa PVL Finale HD spikers, vs Gazz Angels sa PVL Finale Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.