
Patay ang isang helper nang tumalon sa sinasakyang service truck habang nagtamo naman ng minor injury ang driver sa National Road Sitio Namutnga, Brgy. Buhian, Tabaco City, Albay.
Kinilala ang nasawi na si Renan Solano Lucentales, 26 anyos at residente ng Guinobatan, Albay; habang ang driver kinilalang si Alfie Montalbo Perdigones, 29 anyos at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Polangui, Albay.
Sa ulat, binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada sa lugar kung saan sa hindi inaasahan nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan.
Dahil sa nangyari, isa sa mga ito biglang tumalon mula sa truck, kung saan nahulog sa kalsada at nagtamo ng pinsala sa ulo.
Isinugod ang biktima sa Ziga Hospital nguni’t idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.
The post Helper, patay nang tumalon sa sinasakyang truck appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: