Facebook

MAHIGIT SA 1-MILYON, WEEKLY TONGPATS SA CIDG OFFICIAL SA R4A!

NAGBANTA ang tatlong grupo ng mga gambling lord sa Laguna na ibubulgar ang isang mataas na opisyal ng Criminal Investigation Group (CIDG) sa ginagawang panggigipit sa kanila at iba pang vice operator sa kabila ng mahigit sa Php 1milyon na intelhencia (lagay) kada isang lingo na kanilang ibinibigay.

Ayon sa insider ng SIKRETA, sa sirkulo ng mga gambling financier at operator sa nabanggit na probinsya ay garapal ang nasabing CIDG dahil tila hindi pa ito nakukuntento sa tinatanggap na Php 683,000 mula sa STL con-jueteng/ bookies at Php 458,000 sa pergalan at daang libo pa sa paihi, looting at iba pang kailigalan sa lalawigan.

Ang intelhencia (lagay) ay lingguhang kinokolekta ng mga“kapustahan” (tong kolektor) ng CIDG official na pinangalanan lamang ng SIKRETA insider na alias RC at weekly din na dinadala ng mga naturang “kapustahan” sa tanggapan nito sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.

Ang mga “kapustahan” ay kinabibilangan ng isa ding STL con-jueteng operator na si Timmy na kilala sa CIDG Camp Crame at Region 4A sa alias Charlie at nagpapatakbo ng STL con-jueteng/bookies sa San Pablo City, Calamba City, Binan City, Aluminus, Liliw, Nagcarlan pawang sa lalawiagn ng Laguna, mga bayan ng Mabini at San Pascual, parehong sa probinsya ng Batangas at iba pang panig ng CALABARZON area.

Dahil sa dami ng inooperate nitong jueteng dens sa rehiyon ay napabilib ni Timmy si alias RC kaya napili ito bilang lider ng mga “kapustahan” (tong kolektor) na kinabibilangan ng mga aktibo at retiradong pulis, militar at barangay official na sina Sgt. Corpuz na may alias na Butch, Sgt. Adlawan, Sgt. Marcial, Santiago alias Tagoy, Sgt De Guzman na kilala din sa alias na Digoy, Sgt. Marcial, Amando aliasTata Boy, Ocampo at Kap Ambo.

Bilang pabor naman kay Timmy pinababa sa halagang Php 20,000 na lamang ang lingguhang itinatara dito ng naturang CIDG top brass.

Batay sa listahan na napasakamay ng SIKRETA ang 15 sa mga Laguna Top jueteng lord na nagbibigay ng malalaking protection money sa CIDG official ay sina Tose-Php 200,000, Tita-Php 210,000, Bareto- Php 40,000, Osel-Php 35,000, Jason-Php 35,000, Orlan-Php 30,000, Sherwin- Php 20,000, Timmy-Php 20,000, Angke-Php 20,000, Mayang-Php 25,000, Nico- Php 20,000, Jess-Php 12,000, Gil-Php 7,000, Alfred-Php 5,000 at Vener-Php 4,000.

Ang pigurang ito ng tong ay sa Laguna lamang , ayon sa mga KASIKRETA natin, ang CIDG official ay may tinatanggap ding lagay o intelhencia sa STL con-jueteng, sakla, lotteng, pergalan, at iba pang illegal gambling at paihi, illegal logging, illegal mining at qarry na talamak ang operasyon sa buong Region 4-A bukod sa Laguna, tulad ng Cavite, Batangas, Rizal at Quezon.

Bukod sa top Laguna STL bookies con-jueteng, tumatabo din ang nasabing CIDG official ng intelhencia mula sa Tanauan based bookies operator at “kapustahan” (tong kolektor) din na si Ocampo at sa 30 iba pa na kapwa nito STL-Con jueteng/ drug operator sa Tanauan City, alias Kap Tisoy at Nonit na liban sa nag-ooperate ng jueteng, ay nagpapasakla pa din sa bayan ng Padre Garcia, Batangas.

May kinokolekta din na daan-daan libong lagay si alias RC sa mga sakla operator na sina Tagoy, Erik Turok at Aileen Landi na nag-ooperate ng mga saklaan sa mga munisipalidad ng Tanza, Indang at General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, sakla financier na si Marasigan ng Sto. Tomas City, Estole at Aying ng Lipa City at Marivic ng Tombol Cockpit sa bayan ng Rosario, pawang sa Batangas, Jayson alias Bok, Rose, alias Sgt. Oruga, Jun, Leviste, Ronnie at Junjun, alias Katimbang, Castillo at Jenny at iba pa na lahat ay sakla operator naman ng Laguna.

Ang ilan lamang sa mga pergalan maintainers na lingguhang binabraso din ng mga “kapustahan” (tong kolektor) ng CIDG official ay sina Rambu, Elvie, Juan, Bondying, RJ, Jess, Toto, pawang ng lalawigan ng Rizal, Aling Mely, Agnes, mag-asawang Glenda at Totoy, Nikki Bakla, Venice at Joebel ng Batangas at Quezon.

Pasok din ang mga operator ng buriki, paihi, pasingaw at patulo na sina Lito ng Candelaria Quezon at Tuy, Batangas, Glen, ng Lemery, Kap Dan ng Lipa City, pawang sa probinsya din ng Batangas, Lani ng Tiaong at Bobby ng Lucena City, lahat ay sa Quezon Province.

Ibayong galit at pagkamuhi kay CIDG official ang naghari sa kalooban ng mga nabanggit na ilegalista nang mag-anunsyo ito may ilang araw pa lamang ang nakararaan sa pamamagitan ng sugo nitong mga “kapustahan” (tong kolektor) na dodoblehin na nito ang kanyang dating presyo ng lingguhang tara.

Kaya malamang nito, gulo ang tabakuhan ng ilegalista at kapulisan sa Region 4-A! Lintek din naman pala sa lupit ang nasabing CIDG official, kung susumahin ay lumilitaw pala na sa pinaka-maliit na pagtataya ay nasa Php 4 milyon na ang naibubulsa nito kada buwan, tumataginting itong Php 48 milyon sa looban ng isang taon, kung di agad ito sisibakin ni PNP Chief, Rodolfo Azurin Jr.?

Kaya naman pala dedma lang si CIDG official tulad din ni PNP Region 4A Director, PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. laban sa mga vice operator sa Laguna, Batangas, Cavite, Rizal at Quezon, ay may ganitong kalaking dahilan? MAY KARUGTONG…

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com; cp # 09664066144

The post MAHIGIT SA 1-MILYON, WEEKLY TONGPATS SA CIDG OFFICIAL SA R4A! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAHIGIT SA 1-MILYON, WEEKLY TONGPATS SA CIDG OFFICIAL SA R4A! MAHIGIT SA 1-MILYON, WEEKLY TONGPATS SA CIDG OFFICIAL SA R4A! Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.