
MAGLALABAS ang Home Dev’t Mutual Fund o Pag-Ibig Fund ng P250 billion para sa Pambansang Pabahay Para Sa Mga Pilipino; Six Million Housing Program ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr.
Inaprubahan ng board ng Pag-Ibig Fund na pinamumunuan ni Dept. of Human Settlement and Urban Dev’t. Sec. Jose Rizalino Acuzar ang alokasyon ng pondo sa Flagship Housing Program ng administrasyon.
Kumpiyansa si Sec. Acuzar na magiging matagumpay ang programa ni Pangulong Marcos ngayon na nakaselyo na ito ng funding support mula sa Pag-Ibig Fund.
Inatasan ni BBM ang DHSUD na magtayo ng isang milyong bahay kada taon sa loob ng anim na taon na kanyang panunungkulan.
Lumagda rin ang Pag-Ibig Fund ng memoramdum of agreement kay Bacolod Mayor Albee Benitez para sa konstruksyon ng 10 libong housing units para sa informal settler family sa lungsod.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nilagdaang MOA sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program na layunin matugunan ang mahigit 6.5-milyong housing backlog sa bansa.
The post Pag-Ibig Funds nangako ng P250 bilyon kay PBBM para sa ‘Pambansang Pabahay’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: