Facebook

SUAREZ AT BOHOLST WINNING TANDEM TO VICTORY

PERSONAL na kinober ng korner na ito ang training na ating future world champ na si Charly Suarez katuwang ang kanyang buddy-buddy,bespren at coach / trainer na si Delfin Boholst sa kanilang unique makeshift na ‘garage gym’ sa AFPOVAI,Taguig City malapit sa kanilang Philippine Army Camp.

Si Charly at Delfin ay magka-stable na noon pa sa national boxing team na kapwa nag-alay na ng karangalan sa bansa hanggang nagpatuloy ang ating Olympian na si Suarez sa pro boxing kasama pa rin si Boholst sa kanyang adhikain at sa training thru thick and thin.

Nakatutuwa ring malaman mula kay coach ang taos-pusong pagtulong ng isang maituturing na sports patron na nagpahiram at nagpagamit ng libre ang kanyang bakanteng lugar na ideyal sa isang closed- door gym na siyang unang piping saksi sa parating na tagumpay sa mundo na makakamit ni Champ Charly sa hinaharap na paghihirapan op course nang magpakner sa training. Gayundin sa Enduro at Rotary Club of Pasay.

Puspusan na ang pag-eensayo ni WBA Asian titleholder Charly Suarez ng Pilipinas para sa kanyang nalalapit na malaking laban kontra Indonesian pugilist sa Vietnam sa susunod ng buwan ng Disyembre.

Ayon kay coach na dating international boxing veteran Delfin ,halos nasa peak na ng kanyang kumprehensibong training si Suarez kung kaya ay lalong tumataas ang adrenaline ng Rio Olympian at handa na anumang oras o araw makabakbakan ang protagonistang si Defry Palulu ng Indonesia.

“ Charly is in top condition.Handang- handa na siya para sa Asian Championship nito ,a step away para sa kampeonato sa mundo”, pahayag ni Boholst sa panayam.

Ang Palarong Pambansa gold medalist, Southeast Asian Games multi- medalist at Olympic boxer na si Suarez ay kumumpleto ng 17 rounds ( 3- minutes each) mula sa forms, shadow boxing,mits,punching bag,sparring at stick boxing upang kumpletuhin ang kanyang routine kamakalawa sa kanilang binansagang ‘garage gym’.

“Excited na ako sa laban dahil kapag pinalad ay halos naroon na tayo sa ating misyong world championship”, pahayag ni Suarez matapos ang kanyang boxing routine at workout kaensayo sina coach Boholst, Philippine Army boxing team coach Sgt.Jun Moreno,isang junior boxer at ang kanyang ama na gumagabay din sa training, conditioning at massage therapy sa pagitan ng ensayo.

“ Na- develop nang husto ang speed,power, discipline ,stamina at wido ni Charly kaya sa aking sapantaha ay world champ siya within early next year”,papuri naman ni AFP boxing mentor Moreno.

Tutulak ang Team Suarez pa- Ho Chi Minh sa Disyembre 2 para sa kanyang big fight sampung araw pagdating sa Vietnam.

The post SUAREZ AT BOHOLST WINNING TANDEM TO VICTORY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUAREZ AT BOHOLST WINNING TANDEM TO VICTORY SUAREZ AT BOHOLST WINNING TANDEM TO VICTORY Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 08, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.