Facebook

Mayor Along, namahagi ng bags at school supplies sa Caloocan students

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pamamahagi ng mga bag at school supplies para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Caloocan City mula kindergarten hanggang Grade 6.

Nagbigay si Mayor Along ng school bag na may mga notebook, lapis, pambura, at ruler para sa mga mag-aaral ng Bagong Barrio Elementary School, Morning Breeze Elementary School, Andres Bonifacio Elementary School, Maypajo Elementary School, Caloocan Central Elementary School, Cecilio Apostol Elementary School, Kalayaan Elementary School at Bagong Silang Elementary School, at Sto. Nino Elementary School.

“Laman po ng bawat bag ay notebook, lapis, pambura at ruler para sa bawat mag-aaral simula kinder hanggang grade 6 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod,” wika ni Mayor Along.

Sinabi ng lokal na punong ehekutibo na ang pamamahagi para sa iba pang mga pampublikong paaralan, naka-iskedyul para sa buong buwan ng Nobyembre habang ang buong pagpapatupad ng face-to-face classes na nagsimula ngayong buwan, ayon sa utos ng Department of Education.

“Itinaon na natin ang distribusyon ngayong Nobyembre dahil ayon sa DepEd, ngayong buwanang palabas ang kabuuang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa. Nais natin na makatulong ito sa bawat magulang na makabawas sa kanilang gastusin at magamit ng ating mga mag-aaral sa face-to-face classes,” pahayag ni Mayor Along.

Dahil dito, binigyang-diin din ni Malapitan ang kanyang career-long goal na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Caloocan. Kung matatandaan, ipinasa ni Mayor Along ang ordinansang nagbibigay ng libreng matrikula sa mga mag-aaral ng University of Caloocan City (UCC) noong siya ay konsehal pa ng lungsod, at nagbigay ng educational assistance para sa kanila noong termino niya bilang kongresista.

Bilang dating kinatawan ng District 1, tumulong si Mayor Along sa pagtatayo ng 1,058 silid-aralan at inakda ang House Bill no. 5739, na nagtatag ng Polytechnic University of the Philippines Caloocan City-North campus.

“Simula pa noong konsehal tayo hanggang sa maging kongresista at ngayon bilang alkalde, mapabuti ang ating mga liderato sa edukasyon. Sisikapin natin na alisin ang hadlang sa pagtatapos ng bawat Batang Caloocan,” wika ni Malapitan.

“Libreng edukasyon simula kinder hanggang kolehiyo, libreng school supplies at tulong edukasyon — hangad natin na walang batang maiiwan at maramdaman nila na suportado sila ng pamahalaan sa kanilang mga pangarap,” dagdag pa ni Mayor Along.

The post Mayor Along, namahagi ng bags at school supplies sa Caloocan students appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Along, namahagi ng bags at school supplies sa Caloocan students Mayor Along, namahagi ng bags at school supplies sa Caloocan students Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 07, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.